Malaki na talaga ang pinagbago ng isang aktres. Totoo na malakas ang kanyang teleserye .Ito ang nakikitang dahilan ng kanyang pagbabago. Naging maarte at iba na ang arrive pagdating sa set.

Madalas daw ay dumarating siya na hindi na namamansin maging sa co-stars niya. Feeling sikat na talaga at daig pa ang superstar. Kabaligtaran ng kanyang co-star na bida rin sa teleserye na hanggang ngayon ay napaka-down to earth pa rin.

Isa pang nakakaloka sa aktres na ito ay hindi man lang daw marunong magpasalamat sa staff and crew kapag nagagawan ng pabor. As in, iba na talaga siya sa dati niyang ugali na probinsyanang mabait. (Rodel Fernando)