Aktres at anak, PRANING sa kampanya kontra droga

DI NA NATUTO. Ito ang theme song ng lifestory ni award-winning actress.

Lahat na yata ng panga­lawang pagkakataon ay ibi­nigay na sa kanya ng tadhana, ‘di pa rin siya natuto.

Sinayang niya… Hindi ginamit sa wasto ang angking ganda.

Bukod na pinagpala pa naman ang kanilang showbiz family.

Nang nagsabog ng talino at talento ang Maykapal, nasalo ng malaking clan nila ang malaking porsiyento nito.

Dahil sa taglay na pambihira, nakabingwit sila ng bigwigs in showbusiness.

Assured ang future ng third and next gene­rations ng kanilang family.

Kaya spoiled itong gandarang character actress na belong sa clan.

Kasi naman, lahat ng gusto niya ay ibi­nibigay in silver platter.

Laki siya sa layaw. Belong sa who’s who among showbiz friendships.

Hayun, lahat ng wannnabes of their time, gustong mapabilang sa grupo nila.

Lahat ng gusto nila, nakukuha. Mapa-BF man o husbandry.

Even the vices.

Ilang beses na bang napasama sa raid ang award-winning actress?

Always out on bail siya.

Iba na ang angkan na may connections.

Iba na ang gandara, na may dyowang filthy rich drug lord.

Ready lagi ang cash to bail her out.

Kung incorruptible ang mga nakahuli, always andiyan ang people in “high places” to call the “gene­rals.”

Laging tiklop ang mga galamay sa police authorities, gaano man ito ka-dedicated sa sinum­paang serbisyo.

O gaano man kadakila ang prinsipyo.

When people in “high place” order you o humihingi ng pabor para bigyan ng special treatment itong actress, wala kang magawa kundi pagbigyan ang nakatataas sa ‘yo.

Kahit nahatulan si actress at nasa watch list ng BID (Bureau of Immigration and Deportation), nakapuslit siya ng bansa.

Nang hindi naka­yanan ang homesickness, umuwi ng ‘Pinas.

Dahil nakaupo in high places ang mga kakampi, nakulong man si actress nang umuwi sa bansa, nabigyan siya ng maagang pardon.

Ikaw na ang may bestie actress na escabeche ng BFF/ka-mahjong ng dating makapangyarihan sa ating bansa.

Hayun, kahit wrangler na at binigyan na ng nth chance, balik pa rin sa lumang bisyo si actress.

Pati tuloy ang kanyang anak na matinee idol ay nagmana sa kanya.

Nagpakalunod din sa bisyo na tinatangkilik ng idol niyang dearie mommy.

Ilang beses na ba naipasok sa rehab si dyubanak na matinee idol?

To no avail. Laging may relapse.

Laging tulaley.

Kasi, si mommie dearest ay supplier din ng dyunak.

It’s in their blood ang bisyo at ang pagka-underworld character.

Hindi lang ang showbiz family nila ang notorious. Pati ang maternal side ay sikat sa mundo ng mga ‘ninong.’

Ang tiyo ni actress ay isinapelikula ang talambuhay dahil siya raw ang may ginintuang kamay.

May Midas’ touch? Hindi po.

Siya ay numero uno sa talentong pandidikwat. Ka-level ni Robinhood?

Eniwey, si pamang­king character actress ay sadlak na sa lusak.

Napabalita pang namumuhay sa ilalim ng tulay.

Para siyang ketongin.

Parang may nakahahawang sakit na iniiwasan ng mga dating BFF at mga kamag-anak.

Para siyang walking atomic­ bomb. Kapag pumutok ang sumpong ng kahibangan sa droga, pati ikaw ay mabibiktima.

Kaya tuwang-tuwa ang mga malalapit na mga kamag-anak at concerned friends.

Dahil sa kampanya ng bagong Pres. Rodrigo Duterte, ang praning na pra­ning si actress na sugapa sa ba­wal na droga kahit magse-senor citizen na.

Ganoon din ang equally gumon niyang anak na matinee idol.

Franella ella sila na mabaril.

Bisyo nila ngayon ay ang matulog at kumain.

Kaya kapag nakita ninyo silang on the obese side, huwag na kayong magtaka.