AKTRES at mister na poli­tician, dala­wang taon nang hiwalay!

In fairness, naitago nila ito last year. Pero this year, may nagchismis na sa akin.

Si actress ay sikat na sikat noong kabataan niya. Mapa-TV man o pelikula, pati commercials, havey siya.

Raket kung raket siya sa iba’t ibang panig ng LuzViMinda.

Mabenta siya sa mga barangay fiesta.

Raket pa more siya hanggang sa ibang bansa.

Pati sa mga birthday party, ribbon-cuting, bienvenida, despedida, corporate show, binyagan, wedding reception at lamayan, present ang beauty & talent niya.

Wala siyang pinapalampas. Basta pagkaka­kitaan, kahit my sakit, gorabels siya.

Sa kotse na lang siya nag-aalmusal, panang­halian, merienda cena, hapunan at midnight snack.

Kahit busy si ate sa kanyang career, may panahon siya sa lovelife.

At over kung siya’y ma-in love!

Hanggang nakilala niya ang jowa from the North. Isang taon lang matapos magkagustuhan, nagpakasal sila.

Nanahimik si ate sa showbiz. Nagkaanak. Paminsan-minsan, guest siya sa TV at special show.

At ito na nga, jiwalay na pala si ate sa jowa niya na nasa political arena.

Hindi namin knowing ang dahilan ng paghihiwalay.

Basta, kumalat ang chismyx na si actres ay nililigawan ngayon ng dati niyang suitor.

Si Mr. Politico naman ay jowa na ang isang member ng defunct all-female sing & danz group, na nachizmis noon na marumi ang mga damit at may mga alagang kuto.

Sa ngayon, dedma na ang magjowa sa isa’t isa. Hindi na nagkasundo.

Si actress, nag-condo na lang.

Si politician, ang sexy star na ang kaulayaw sa pugad ng pagmamahalan.