Aktres balasubas sa stylist

Balasubas nga ba ang isang aktres?

Imbiyerna ang dating styling team ng isang inactive actress (IA) dahil dalawang taon na ay hindi pa sila nababayaran nito.

Kinuha ni IA ang isang styling team para sa dalawang events nito nu’ng 2018. ‘Yung isa ay guesting para sa isang brand na ineendorso nito at ‘yung isa ay para sa launch ng sariling business nito.

Ayon sa stylists, they only charged IA para sa mga binili nilang damit na sinuot nito at saka additional na very minimal handling fee.

So, all in all ay P40K ang babayaran ni IA para sa services ng kinuha niyang styling team.

Ang ending ay bigla na lang dumedma si IA at ni ha ni ho ay wala na itong paramdam. Sinisingil ito ng styling team, pero in-ignore lang sila ng aktres.

Lately ay may mga post si IA sa social media kaya naalala ng nasabing styling team na dalawang taon na ang utang ng aktres sa kanila at hanggang ngayon ay hindi pa sila nito nababayaran.

Sa halagang P40K ay tinakbuhan ni IA ang grupo na binihisan siya at pinakinabangan niya para sa kanyang events.

Himutok ng styling team, daig pa si IA ng ibang talent na hindi kilala pero may delicadeza to pay their suppliers on time.

Si IA na naturingang may pangalan at ang alam ng marami ay may pera, siya pa itong binalasubas ang mga nakatrabaho niya.

Actually, hindi pa rin bumabalik ang dating ningning ni IA at ewan kung makakabawi pa ito. Visible naman si IA, but her career is neither here nor there.

Ang totoo ay tila matagal-tagal na ring walang direksyon ang career at pati na personal life ni IA, na parang hindi malaman kung anong gustong gawin sa buhay.

Balita pang may hidwaan si IA at ang isa niyang kapamilya, na diumano ay masalimuot ang dahilan ng kanilang away.

Maging ang buhay-pag-ibig ni IA ay tila windang din at parang hindi ito makahanap ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

Kasi naman, eh… paano siya mabi-bless niyan kung may mga inaagrabyado pala siyang tao?

Magbayad ka na ng utang mo, ghorl!!!

PAK!!

John kinabog si LT sa TikTok

Lakas makabagets ni Ms. Lorna Tolentino na isa na rin ngayong TikToker.

As in nakikipagsabayan si Ms. LT sa millennial stars na haling na haling ngayon sa sikat na app na tampok ang short-form mobile videos.

Kaya wala sa itsura ni Ms. LT ang edad niyang 58-anyos dahil feeling young pa rin siya at kaya niyang sakyan ang trip ng mga bagets.

Nakakatuwa dahil pati mga kasamahan niya sa “Ang Probinsyano” ay naisasali ng batikang aktres sa mga TikTok vids niya, na sumasayaw sila at kung anik-anik pang mga pakyut ang ginagawa.

In fairness sa ilang pa-TikTok ni Ms. LT, kinakabog silang lahat ni Mr. John Arcilla dahil mas magaling ito sa kanila, huh! Ha! Ha! Ha!

Matagal na kaming tinatanong ni Ms. LT kung dapat na rin ba siyang mag-YouTube bilang karamihan nga ng artista ngayon ay nagyu-YouTube na.

Ang sabi namin sa kanya ay mag-YT na siya at isama niya sa vids niya ang apo niya kay Rap Fernandez na si Tori, na very pretty, napakatalino at sobrang talented.

Nai-imagine na namin na patok sa netizens ang mga vid nilang maglola at tiyak na mataas ang engagement nito.

Mahilig ding mag-IG Stories si Ms. LT at updated sa mga hit sa Netflix gaya ng “Crash Landing On You” kaya hindi siya napag-iiwanan sa mga ganap.

Ang gandara pa ring aktres ang isa sa mga mukha ng Beautéderm. Idolo siya ng butihing may-ari ng Beautéderm corporation na si Ms. Rhea Anicoche-Tan kaya talagang kinuha siya nitong brand ambassador.

Bumongga ang sales ng Cristaux Gold Elixir Serum ng Beautéderm nang iendorso ito ni Ms. LT sa mainstream market.

Isa si Ms. LT sa 40+ ambassadors ng Beautéderm na masisipag mag-ikot sa iba’t ibang probinsiya para mag-store opening o kaya ay mag-mall show para i-promote ang beauty products, na lahat ay matiyagang pinag-isipan ng napaka-successful ngayong businesswoman na si Ms. Rei Tan.