Aktres dinidal ng PAL sa ticket refund

Hindi pa man natutugunan ng Philippine Airlines ni Lucio Tan ang reklamo sa hindi ­pagbabayad sa kanyang ticket refund sa ­inabot na aberya noong Agosto 14 sa ­kanyang biyahe sa US, muli na ­namang ­nakaranas ng kapalpakan ang ­aktres na si Rica Peralejo-Bonifacio makaraang mag-book ng flight ang ina at kapatid nito at ­nagdagdag ng ­bayad para ireserba ang gusto ­nilang ­upuan ngunit hindi nila nakuha ang upuang kanilang inireserba pero hindi naman ibinalik sa kanila ng PAL ang kanilang bayad.

Sabi ni Peralejo, kawawa ang mga pasahero sa PAL.

Tweet niya sa @flyPAL, “If I do not hear from you guys again before that time, then it would only be fair to say that like what has happened to my sister and mom before, looks like PAL really is an airline where the passenger is on the losing end.”

Bago pa man mangyari ang insidente sa kanyang ina at kapatid, may atraso na rin ang PAL sa kanya noong Agosto nang i-offload siya at ang kanyang pamilya at ­mahigit na anim na oras pa na-delay ang flight. Kasama ng aktres ang ­kanyang baby na dalawang buwan at isa pang anak na 5-anyos.

Hindi basta-basta ang perwisyong inabot nila noon. ­Nawala pa ang mga maleta nila at ­higit sa lahat hindi siya nakahabol sa ­libing ng kanyang ama sa Estados ­Unidos. Hanggang sa ngayon ay wala pa umanong full refund ang PAL ­maging ang kompensasyon sa sinapit niyang aberya noong Agosto.

Tweet niya sa @flyPAL nung August 15, “Hi. I need directions on customer care since calling your hotlines gave me unclear ­answers. Where do I go for ­concerns ­regarding my checked bags that were not offloaded together with us and compensation for more than 6hrs delay of flight?”
Nag-email sa kanya ang PAL nung Setyembre 4 tungkol sa ­naudlot na biyahe niya sa ­America ngunit tila walang pinatunguhan ang kanyang reklamo.

“Just want to update everyone that Philippine Airlines has not ­responded to me since their last email on September 4,” sabi nito sa kanyang Facebook noong Sabado, Oktubre. 12
Dagdag pa niya, hindi ­naman siya feeling stariray kahit na ­madalas nagbibigay ng special treatment ang mga kumpanya sa Pilipinas sa mga celebrity.

“By the way hindi po ako ­feeling superstar. Konti ang following ko compared to the bigger stars of the Philippines. But kahit papano, ­talagang madalas na may paspecial treatment talaga sayo ang mga tao/kumpanya pag nalaman na artista ka eh,” sabi niya.

“Nakakainis din that papansinin ako usually kasi artista ako. Pero paano kung normal lan gako na tao na walang masyadong followers on social media? Papansinin kaya nila yun? Hay,” tweet pa niya.

Sumagot ang PAL at humingi ng paumanhin kay Peralejo sa ­Twitter at hiningan lang siya ng email ­address na ginamit sa pag-book ng flight ng kanyang kapatid at ina. (Eileen Mencias)