Aktres feelingerang frog

actress

Isang gabi ay pinagkuwentuhan ng isang grupo ang isang female personality na aktibo pa rin sa pag-arte. Lulubog-lilitaw ang kanyang career, minsang umaarte at nawawala, pero hindi naman ‘yun nagtatagal.

May kakaiba rin palang kaartehan at kaangasan ang aktres na ito, hindi siya masyadong gusto ng kanyang mga nakakatrabaho, feelingera ang tawag sa kanya ng grupo.
Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Ibang klase rin ang babaeng ‘yun! Napaka­tagal na niyang nag-aartista, pero hanggang support-support lang naman siya hanggang ngayon, pero may kakaiba rin siyang attitude!

“Ang feeling niya, e, sikat na sikat siya, pagdating niya sa set, e, nakasimangot na agad siya na para bang sinusunong niya ang lahat ng problema ng mundo. Kulang siya sa PR, napakalakas pang tumalak, feeling talaga niya, e, kabilang siya sa mga artistang famous na famous!

“Naiinis sa kanya ang mga utility ng production dahil lahat na lang, e, hinihingi niya! At kapag hindi agad nasunod ang gusto niya, talak na siya nang talak!

“Kung anu-ano na ang pinagsasasabi niya, kesyo ‘yun daw ang kanilang trabaho, ‘yun na nga lang, pero hindi pa nila nagagawa nang maayos. Nanghingi lang ng water, hindi lang agad ‘yun naibigay, ganu’n na agad-agad ang pinagsasabi niya?

“Feelinggera ang hitad na ‘yun! Napakatagal na niyang nag-aartista, pero kailangan pa rin siyang pabalikin sa school, para maturuan siya ng GMRC!” inis na kuwento ng aming impormante.

Mahilig makipag-close ang female personality na ito sa kung sino ang sikat at mabentang artista. Para nga naman hindi siya mawalan ng trabaho. Para nga naman irekomenda siya ng kinu-close niyang artista kapag may pelikula o serye ito.

“At nagtatagumpay siya sa atake niya, ha? Napapasama nga naman siya sa casting, nagkakaroon siya ng magandang role. ‘Yun nga lang, inis naman sa kanya ang production sa pagiging negatron niya!

“Naku, hinding-hindi nababagay sa kanya ang name niya, ha? Natu­ringang paborito ng mga bata ang pangalan niya, pero hindi naman ganu’n ang attitude niya!” sabi pa ng aming source.

Ara parang ahas na inalagaan

Kaninong saya pa kaya magtatago si Ara Mina ngayong pinapangalanan na siya ng babaeng inagawan niya ng boyfriend? Kung nu’ng una ay pasimple lang siyang pinariringgan ni Rina Navarro, ngayon ay diretso nang nasasabi nito ang kanyang pa­ngalan, si Ara Mina nga ang babaeng nakipagkaibigan sa kanya na kinarelasyon ang ama ng kanyang anak.

Wala nang maniniwala ngayon sa pagdedenay ni Ara Mina, hindi na rin paniniwalaan ng ating mga kababayan ang kanyang drama ng pana­nahimik, dahil wala raw namang katotohanan ang ibinibintang sa kanya.

Paano pa kaya maide­denay ni Ara ang pakikipagrelasyon kay Undersecretary Dave Almarinez kung nai-video pala nang palihim ni Rina Navarro ang kanilang komprontasyon?

Nu’ng wala nang masusulingan pa si Ara ay inamin niya ang pakiki­pagrelasyon sa boyfriend ni Rina, ang palusot diumano ng aktres ay aaminin niya naman ‘yun sa kanyang kaibigan, kaya lang ay naunahan siya.

Kung ibang babae lang ang gumawa nu’n kay Rina Navarro ay hindi sana ganito ka­tindi at kabigat ang nararamdaman nito, pero magkaibigan sila ni Ara, hindi nito inakala na bantay-sala­kay pala ang kanyang kaibigan.

Para nga naman itong nag-alaga ng ahas. Napakalayo sa kanyang isip na si Ara Mina pa pala ang magtatraydor sa kanya, nakakasabay pa naman nitong kumain ang aktres sa isang hapag pero meron na palang ginagawang kasalanan sa kanya si Ara Mina.

‘Yun ang ikinasasama ng loob ni Rina Navarro, pinag-aralan lang palang mabuti ni Ara ang mga gusto at ayaw ng kanyang karelasyon, ito pa ang ginawang source ni Ara Mina ng mga impormasyon tungkol sa lalaki.