Aktres, GAPANG sa paghuhulog sa kotse

NAKAKALOKA ‘yung tsikang nakarating sa amin na ‘nahila’ ang hinuhulugang kotse ng isang ­character actress na hiwalay sa mister niyang dating sikat na matinee idol noong 80’s.

Alam namin na hinuhulugan pa ng character actress ang kotse niya dahil masaya niyang ikinuwento sa amin two years ago na nakakuha na siya ng car loan.

That time, madalas na walang magamit na sasakyan si character actress kapag may trabaho siya dahil ginagamit din ng iba niyang mga anak ang sasakyan nila.

Pero dahil nakapag-car loan, may sarili nang sasakyan si character ­aktres.

Lately, may tsikang ‘nahila’ ‘yon ng bangko­ dahil ilang buwan na raw na hindi nakakabayad sa monthly amortization si character actress.

Tinext namin si cha­racter actress at sabihing may issue sa kanya.

After more than two hours, tumawag si cha­racter actress sa amin.

“Sorry, Jun, nasa rehearsal ako. Ano ‘yung issue?!” tanong kaagad sa amin ni character actress at sinabi namin na ‘nahila’ raw ang sasak­yan niya.

“What? Jun, kapa-park ko pa lang. Gamit ko ang car ko. Two years ko pa lang binabayaran ito.

“Five years ang car loan ko. Hindi ko hinahayaan na ma-delay ako ng monthly ko rito.

“Grabe naman ang ­issue na ‘yan. Hahaha!

“Gusto ko na lang tawanan, kasi, hindi totoo at gamit-gamit ko ang car. Sino kaya ang nagkakalat ng issue na ‘yan? Grabe naman,” sabi pa sa amin ni character actress na kilala sa pagi­ging beautiful hanggang ngayon kahit hindi na siya bagets (na parang ­title ng isa niyang pelikula noong 80’s).

Aminado si character actress na kung minsan ay iginagapang niya ang monthly amortization ng kanyang hinuhulugang sasakyan, pero ‘yon ang priority niya at hindi ­siya maluho.

“Sana lang alam ng kung sino man na gumagawa ng issue na ‘yan na kahit hindi ako mapera, dahil hindi naman ako maluho, ‘yung monthly amortization ng car ko ang ­priority ko.

“Very thankful nga ako na three years na lang ang babayaran ko rito at kahit paano naman pala­ging may work na dumarating sa akin,” sey pa ni character actress na isa sa pinakamabait na artistang nakilala namin.

Nabanggit din namin kay character actress ang isa pang issue na nagkaroon siya ng much younger boyfriend na kabarkada raw ng isang sikat na aktor na may reunion project sa dating ka-loveteam na ex-girlfriend nito.

“Ang ganda-ganda ko naman kung totoo ‘yan,” natatawang tsika ng ­character actress.

“Sana nga, may lovelife ako para exciting­ naman. Pero wala talaga.

“Kilala mo ako, Jun, kung totoo, aaminin ko naman. Pero, hindi, eh.”