May hindi kagandahang karanasan pala ang dalawang sikat na aktor sa isang kilalang aktres kaya ayaw na ng dalawang aktor na makatrabaho ang naturang aktres.
Nakatrabaho ng sikat na aktor #1 (SA1) ang kilalang aktres (KA) sa isang teleserye. Naranasan ni SA1 na bigla na lang lumalayas sa set si KA kaya nawindang si SA1.
Bukod sa pagiging mahusay na aktor ay kilala sa pagiging professional si SA1, so nagulat siya sa ipinakitang pagiging unprofessional ni KA.
Sa tagal nilang nagsama sa ginawa nilang teleserye ay marami pang ibang nakita at naranasan si SA1 na mga kalokahan ni KA kaya markado na ito sa kanya. Hinding-hindi na siya papayag makatrabaho itong muli.
Ang sikat na aktor #2 (SA2) ay nakasama si KA sa isang pelikula. May horror stories din si SA2 tungkol kay KA.
Natuklasan ni SA2 na kakaiba ang ugali ni KA at ang hirap nitong pakisamahan. Hindi sila naging close dahil hindi masakyan ni SA2 ang mga kadramahan ni KA na wala sa lugar.
Katulad ni SA1, magaling na aktor din at very professional si SA2. Hindi niya nagustuhan ang mga nakita at naobserbahan niya kay KA, so wala na siyang balak makapareha pa itong muli sa anumang project.
May image si KA na para bang ang bait-bait at ang tino-tino niya, na pagdating sa trabaho ay walang problema sa kanya.
Pero hindi ganu’n ang naranasan ng mga nakatrabaho niya. So, wala siyang kaalam-alam ay iniiwasan na pala siya ng iba.
As in once is enough and never again! PAK!!
***
Cristine nagmaldita, sinita ng anak
Kontrabida si Cristine Reyes sa bagong Kapamilya morning series na “Nang Ngumiti ang Langit.”
Si Cristine mismo ang humiling nito kay Direk Ruel S. Bayani na siya naman ang mang-aapi para bago naman at happy siya na pinagbigyan siya ni RSB.
Si Sophia Reola, ang 10-anyos na batang bida sa “Nang Ngumiti ang Langit” ang makakatikim ng mga pang-aapi at pangmamaldita ni Cristine.
Nagreak ang 4-anyos na daughter ni Cristine (kay Ali Khatibi) na si Amarah nang mapanood nito ‘yung eksenang tinatapakan ni Cristine ang halaman ni Mikmik (Sophia).
Tanong ng bagets, “Mommy, why are you like that?” na sinagot niya agad na akting lang ‘yon at pretending lang, hindi totohanan.
Ani Cristine, so far ay wala pa naman silang eksenang sinaktan niya nang pisikal si Sophia. Baka harsh naman daw kung mananakit siya ng bata.
Sey ng “Goin’ Bulilit” girl na si Sophia, natakot siya sa mga eksena nila ni Cristine dahil akala niya nu’ng una ay susungitan siya nito, pero mabait daw pala ito at sweet na katulad din ng co-star nilang si Kaye Abad.
Sa tanong kung nakangiti ba ang langit sa kanya ngayon, ang kaswal na sagot ni Cristine ay, “Yes, nakangiti po ang langit sa aming lahat, hindi lang sa akin.”
Ang busy ni Cristine dahil bukod sa may daily serye siyang “Nang Ngumiti ang Langit” na magsisimula sa March 25, meron din siyang pelikulang “Maria” na ipapalabas sa mga sinehan sa March 27.
Kakaibang Cristine din ang mapapanood sa “Maria” dahil uma-action star siya rito at assassin ang kanyang role.
Na-enjoy raw niya nang sobra ang paggawa ng aksyon at nabuhayan ang dugo niya rito, so game siyang malinya sa action movies.
Sabi pa ni Cristine, sa 15 years niya sa showbiz ay itong “Maria” ang pinakapaborito niya sa mga pelikulang nagawa niya.
Pagmamalaki pa niya, hindi niya kailangang magpa-sexy rito para lang tangkilikin ang movie niya.
***
Barbie, Mika naghiwalay na
Ang bongga ng mga ganap sa “Kara Mia” dahil napaghiwalay na ang mga bidang sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz.
Kung dati ay puro likod at puro batok lang si Mia, ngayon ay may sarili na rin itong katawan gaya ni Kara.
Kagagawan ng diwata ng gubat na si Reynara ang mahiwagang paghihiwalay na ‘yon ng magkapatid na may kakaibang kondisyon.
Nagkaiyakan ang dalawa nang magkaharap at magyakapan sila. Natupad ang hiling, pero may kapalit ito at tiyak na sisingilin ang magkapatid.