Aktres madalas walang panty

Pagdating sa aktingan ay hindi mo matatawaran ang galing ng aktres na ito. In fact, masasabing award winning na rin siya dahil minsan na siyang nakasungkit ng award.

Pero alam niyo ba na madalas ay hindi nagsusuot ng panty ang actress na ito? Ang kanyang katwiran, hindi naman makikita ng mga tao kung wala siyang panty.

“At saka, kaming mga babae, hindi naman katulad sa inyong mga lalaki na kailangan talagang may suporta dahil hindi naman lumalaylay itong sa amin, ang kailangang magsuot ng panty o brief ay mga lalaki talaga at saka confident ako na walang maaamoy sa akin dahil bawat labas ko ng bahay, I’ll make it sure na mabango ang kepay ko, alagang feminine wash ito,” sabi ni aktres sa isang tsikahan sa mga katsokaran niyang movie reporters.

Kabaliktaran si aktres dahil kung ‘yung ibang babae ay asiwang-asiwa kapag wala silang panty, siya naman ay naaasiwa kapag may panty siya.

“Ewan ko ba, parang init na init ang aking keps kapag nagpa-panty ako, parang may sarili siyang utak, init na init siya kapag may panty ako” pagpapatuloy pa ng aktres.

Eh kung umaalis siya, kadalasan wala siyang panty, papaano na lang kung nasa bahay lang siya?

“Ay Day, hubad kung hubad lalo na kapag nasa kuwarto lang ako. Maski na malamig kagaya ngayon, oo mayroon akong comforter pero sa loob, hubad na hubad ako.”

Sa ngayon ay loveless si aktres although may mga nanliligaw sa kanya. Deadma lang muna siya dahil may gusto siyang mabili next year. Gusto niyang patayuan ang kanyang pa­rents ng bagong bahay sa probinsiya dahil bulok na ang kanilang ancestral house.

Sino ang aktres na hindi nagpa-panty? Well, maganda siya, very independent, hindi exciting ang lovelife pero magaling umarte. (Timmy Basil)