No, thanks!


Dahil Pasko ay nagbalikbayan ang ilang taong naging malapit sa isang pamosong female personality.

Sa isang bansa lang sila nagmula, ilampung taon na silang nagtatrabaho du’n, maayos na ang buhay ngayon ng mga balikbayan.

Namuhay rin nang ilang taon sa malamig na bansang pinagtatrabahuhan nila nu’n ang aktres. Pero kahit minsan lang ay hindi sila naki­pagkita.

Kuwento ng aming source, “Magaling sa para-paraan ang female persona­lity, nakuha niya ang cellphone number ng mga dati niyang kasa-kasama.“Ang problema lang, e, nag-usap-usap na ang grupo na kahit sino ang tawagan sa kanila ng aktres, e, hindi sila sasagot.

Nasa kanila na ang number ng female personality, kaya alam na nila na hindi nila ‘yun sasagutin kapag tumawag sa kanila.

“Kasi nga, isang friend nila ang nagsabi na nu’ng minsang nagkausap sila ng female personality, e, inutangan siya.

Utang ‘yun na wala nang bayaran, kaya agad niyang tinawagan ang mga kaibigan niya na huwag makipag-communicate sa aktres.“So, tuwing tumatawag sa kanila ang girl, deadmatology ang lahat.

Nagtatawagan sila para ipaalam na tawag nang tawag sa kanila ang girl,” natata­wang simulang kuwento ng aming impormante.Pero magaling ngang pumaraan ang female personality.

Nakaisip siya ng paraan, ibang number ang ginamit niya, kaya nasagot ng isang tinawagan niya ang phone nito.“‘Yun na! Hindi na nakatanggi ang sumagot sa phone, nautangan din siya ng aktres, kailangang-kailangan daw kasi niya ng datung dahil pinaaalis na siya sa tinitirhan niyang bahay.“Utang din na walang bayaran ‘yun, deadma na ang aktres nu’ng makuha niya ang datung, hindi na siya tumawag para magpasalamat sa dati niyang faney,” pagtatapos ng a­ming source.

Maricel sinamantala ang  Kapaskuhan

 Ibinalita sa amin ni Bunso, si Mel Martinez, na magiging abalang-a­bala sa susunod na taon si Maricel Soriano.

Bukod sa pagkakaabalahan niyang taping ng The General’s Daughter ay may gagawin pa siyang pelikula sa Regal Films na pamamahalaan ng kanyang kaibigang si Direk Eric Quizon.At hindi lang isang pelikula ang kanyang gagawin, marami, kaya ngayong Kapaskuhan ay sinasamantala na ni Marya ang pagkakataong magkasama-sama sila palagi ng kanyang mga kapatid.Pauwi na sa Texas si Manny, ang nurse nilang kapatid, kaya nu’ng isang gabi ay nagsalu-salo sila sa isang dinner kasama rin ang anak ng Diamond Star na si Tien at ang birthday boy na si Marron.Ibang klaseng magmahalan ang magkakapatid na ito.

Basta meron silang libreng oras ay asahan mo nang magkakasama sina Veckveck, Marya, Michael, Mel at ang paalis nang si Junior.Lalo na ngayon na ulilang-lubos na sila, walang salitaang kaila­ngan, alam nila na sila-sila lang ang magdadamayan sa lahat ng pagkakataon.

Regular silang bumibisita sa mga labi nina Mommy Linda at Daddy Boyong, pagkatapos nilang mag-alay ng panalangin ay matinding kuwentuhan na ang kasunod nu’n, kulang ang isang buong gabi sa kanilang mga istor­yahan.Maligaya kami para kay Mel Martinez dahil ang bagong negosyong binuksan ni Bunso ay sumisipa na. may mga nagpa-franchise na ngayon ng Pan Familia, ang kanyang bakeshop na puro mga tinapay na kinagisnan natin ang nandu’n, tulad ng hopia, pan de regla, pan de coco, kabayan at marami pang ibang produktong binigyan nila ng kakaibang twist.Ang sasarap ng mga bread ng Pan Familia. Habang kinakain mo ‘yun ay may bonus pang pagbabalik sa nakaraan nu’ng tayo’y mga bata pa.

Abalang-abala ngayon si Mel dahil napakaraming umo-order ng pangregalo sa Pan Familia. Puwede silang tawagan sa 0939-9382760.Ang kanilang address ay Asiawealth Tower, 1836 Leveriza Street, Pasay City at kumpleto rin ang impormasyon sa FB, Instagram at iba pa, paki-search lang ang @panfamiliaph.