Para ma-amuse muli si speaker, tinanong namin siya tungkol sa isang babaing karakter.  Ang reak niya agad, “Ay, mabait naman ‘yun. Saka nasa tamang lugar naman siya.

“Alam niya ang gusto niya. Alam niya ang makakapagpaligaya sa kanya. Ang hindi niya lang alam, na wrong grammar siya.”

Sinabi mo sa kanya ‘yun, direk?

Sagot agad nito, “Ay, oo. Ayoko kasi siyang mapahiya, at alam kong walang magsasabi sa kanya kaya pinagsa­sabihan ko.

“Ang sabi lang, at nakangiti pa, ‘Sobra ka naman sa akin, direk.’ Sabi ko nga sa kanya, sobra talaga ako sa kanya, kasi, ‘yung mga nakapaligid sa kanya, hindi siya itinatama o pinupuna.

“Ako, pinupuna ko siya kasi nagmamalasakit ako. Ayoko siyang maging laughing stock.

“Alam ko, a lot of people cringe ‘pag nagsasalita na siya. May binabasa na siyang papel, mali-mali pa rin ang sinasabi. Maliban du’n, mabait at mabuti talaga ang babaing iyan. Nasa tama ang puso niya.”

Ang big reveal ni speaker, ‘yung taong malapit kay babaing karakter, kapareho niya na, “may gramma­tical lapses din paminsan-minsan pero forgivable. At inaamin niyang kahinaan niya ang subject-verb agreement, apologe­tic siya ru’n and I must say, he is improving.

“O baka may ghost wri­ter na siyang mahusay kaya maayos na ang mga nababasa ko.

Whichever is the case, ang importante, mababang-loob siya at alam ang mga pagkukulang.
“There is always room for improvement.”

***

SA umpukan ng maricones, laugh out loud reaction ang maririnig, lalo na’t may bibong speake­r na winner ang mga pahayag.

Kung saan-saan pumunta ang mga chika hanggang sa mapadako sa isang aktres.

Ang sabi agad ni speaker, na tila lumungkot ang mga mata, “Ay, ayoko na sa kanya..,”
Collective question ng mga iba pang maricon, “Sa anong dahilan?”

Ang sagot ni spea­ker, “Nalulungkot ako sa nangyari sa kanya. She has to mend her ways bago ko naising makatrabaho siya ulit at before it’s too late.”

Bumun­tong-hininga ang speaker sabay sabing, “Mahusay siya dati. Gustong-gusto ko siya.

“Kaya lang, may mga bagay-bagay siyang ginagawa na tunay na nakasira sa kanya. Ngayon, parang may delay na ang kanyang faculties at ‘di mo na siya maintindihang magsalita.

“Parang wersh-wersh, hindi na audible. ‘Kakalungkot.

“Ang mas nakakalungkot, ‘yung nagkakandili yata sa kanya, todo pasa lang. Sige lang. Walang preno.

“All mine to give. Gusto ko sanang makausap siya para mapagsabihan, kaso, makikinig ba?
“Magbabago pa ba? Sana, maayos pa. Kasi, sayang… sayang na sa­yang.”