Aktres na gagaya kay De Lima

Bigyan ng proteksyon ang media

Minsan na nating naisulat ang plano ni dating Senador Jinggoy Estrada na gawin ang pelikula ng buhay ni Ronnie Dayan, ang dating driver at bodyguard na kalaunan ay naging lover ni Senador Leila de Lima.

Si Jinggoy din ang gaganap sa papel ni Da­yan kaya’t todo ang pagpapayat ng dating senador para magaya ang porma ng katawan, take note katawan lang at hindi mukha ang gagayahin ng anak ng dating Pangulong Estrada.

Ang interesting dito, sino naman kaya ang gaganap na De Lima? Si Bea Alonzo ba? Iza Calzado? ­Erich Gonzales? Liza Sobe­rano?

Mukhang none of the above daw dahil hindi naman noong kabataan ni De Lima nakapokus ang takbo ng gagawing pelikula sa buhay ni Dayan kundi noong panahon na nagtrabaho ito sa senador sa Commission on Human Rights (CHR).

Kaya ang kukunin na kapareha ni Jinggoy, ‘yung may edad 40 pataas. Marami diyan na magagaling na artista na 40 plus ang edad.

May magaganda, hindi kagandahan at napag­lipasan ng kaganda­han. Balita ko nga, isang Domingo ang napipisil na gumanap sa papel ni De Lima.

Kung si Kim Domingo, bagay sila ni Jinggoy at tiyak na maraming kalalakihan ang maiinggit sa anak ng dating pangulo. ‘Yun nga lang, batam-bata pa si Kim para gayahin si De Lima. Kaya malamang, si Eugene Domingo ang nababalitaan kong gaganap sa papel ng senadora.

Tingin ko, kayang-kayang gayahin ni Eugene si De Lima. Kung paano ito magsalita, kung paano ito magalit, kung paano ito matuwa, eh mukhang sisiw ito sa aktres.

Kaila­ngang praktisin na lang ng aktres kung paano magsalita sa ambush interview habang nag­lalakad sa hagdan.

Ang nakakapanabik dito, magkaroon kaya ng eksena sa kama sina Eugene Domingo at Jinggoy? Tiyak na ito ang inaabangan ni Capiz Rep. Fred Castro para mapatunayan niya kung ‘wagas, dalisay at matatag’ ang pag-ibig ni Dayan kay De Lima.

Siyempre, mag-aabang din ang ibang kongresista at DDS kung ano nga ba ang sinasabing signal number 1 hanggang 5 ni Dayan sa senadora.

Kung papatok ito sa takilya, malamang ay magkaroon ito ng part 2 at isapelikula naman ni Jinggoy ang buhay ng isang Warren.

***

Sa mga miyembro ng SMB o Samahan ng Malalamig ang Pasko, okay lang ang lumaklak ng SMB o beer at wine kung kayo’y malu­lungkot sa pag-iisa ngayong Pasko. Huwag lang kayong tumira ng gin, lalong bibigat ang inyong kalooban.

May isang pag-aaral na isinagawa ang Public Health Wales na ang tumitira ng gin ay lalong nakakapagpaiyak at nakapagpapalungkot sa isang tao, kaysa sa beer o wine. Dati na itong urban myth pero nagkaroon ng batayan dahil sa isinagawang pag-aaral.

Sa nasabing ­survey na nilahukan ng halos 30,000-kataong may edad na 18 hanggang 34, halos kalahati sa kanila ay nagsabi na nare-relax sila kapag uminom ng white o red wine.

Mababa namang 20 percent ang nagsabi na kalmado sila kapag lumaklak ng gin, vodka o whiskey.

So sa mga iniwan ng kanilang kasintahan o binasted, alam n’yo na ang gagawin lalo na ngayong holiday.

Mas mainam na iwasan n’yo na lang ang pag-inom ng alak upang mabawasan ang sakit sa ‘puso’.