HALA! Throwback ang kuwentuhan nu’ng isang gabi ng grupo ng mga becking nagpapatila ng ulan sa isang coffee shop. Bigla nilang naalala ang isang magandang aktres na pamatay ang hubog ng katawan nu’ng kasagsagan ng kanyang career.
May nakarelasyong kilalang male personality ang girl na maagang nakipaghiwalay sa kanya. Nakakailang buwan pa lang silang magkarelasyon ay sumuko na ang tinitiliang male personality ng mga estudyante.
Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Napababayaan na kasi nu’ng lalaki ang singing career niya. Kalaban pa naman niya ang sobrang pagpupuyat. Hindi niya kinaya ang sobrang hilig sa sex nu’ng girl!
“Wala raw kasi silang pahinga. Magkatinginan lang sila, e, salpukan na agad ang kasunod nu’n! Umangal na ang manager ng male singer, marami na siyang napababayaang trabaho, kaya nirolyohan siya ng pangaral!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.
Isang sportsman naman ang kasunod na naging boyfriend ng maganda at seksing aktres, ganu’n din ang naging istorya, maaga ring sumuko ang lalaki sa giyera.
Sabi uli ng source, “Paano naman, hindi na makapag-deliver ang player sa team nila! Hindi na halos makatakbo, palaging hinang-hina, dahil masyado ngang mahilig ang girl!
“Hindi tumagal ang sportsman, babu rin siya agad sa girl, dahil baka itapon na siya ng kanyang team sa biglang panghihina ng katawan niya! Nakakaloka siya!” panay-panay ang pag-iling na kuwento ng impormante.
Ang kanyang ganda ay nand’yan pa rin, natural kasi ang kanyang kagandahan, pero ang kanyang kaseksihan na nambulabog ng kamalayan ng mga kalalakihan nu’ng kaitaasan ng kayang career ay naglaho na.
“Masyuba na siya ngayon, doble na ang katawan niya, hindi na beautiful ang body niya,” pagtatapos ng aming source.
Morissette nega sa paglayas
MAY matinding bitbit na problema si Morissette Amon. Kailangan niyang linawin kung ano at saan nanggagaling ang kakaiba niyang ugali ngayon.
Hindi na niya kilala ang salitang propesyonalismo. Basta na lang siya nag-walkout sa concert na iginapang ni kasamang Jobert Sucaldito para sa alaga niyang si Kiel Alo.
Matinding paliwanag ang kailangang gawin ng dalagang singer dahil negang-nega ang kanyang imahe ngayon. Hindi ugali ng isang professional singer ang basta na lang layasan ang isang kompromisong tinanguan niya.
Dahil lang sa isang interview na maayos naman ang naging daloy ng tanungan-sagutan nila ng reporter? Sapat na bang dahilan ‘yun para ipahiya niya ang producer ng concert?
Ano na lang ang iisipin ng mga sponsors at ticket buyers, na inilagay ang kanyang pangalan sa poster at tickets para lang bumenta ang show, pero hindi naman pala siya kasali sa mga magpe-perform bilang guest?
Pumasok na ba sa kanyang ulo ang kapirasong tagumpay niya sa mundo ng musika? Pinaniniwalaan na ba niya ang mga papuri at palakpak at hindi basta pinakikinggan lang?
Napakahirap ng posisyon ng isang producer. Mukha nito ang nakasangkalan sa mga bumili ng tickets. Kung may problema mang bumabagabag kay Morissette, bakit kailangang maisakripisyo ang isang tinanguan niyang kompromiso?
Sino ba ang walang pinagdadaanang problema? May mga singers ngang namatayan na nagpe-perform pa rin, may mga katulad niyang singers na nakapagitna sa matinding laban, pero pumapagitna pa rin sa entablado at tumutupad sa kanilang trabaho.
May problemang matindi si Morissette. Para iuntog-untog niya ang kanyang ulo sa dingding ay hindi simple ang kanyang sitwasyon.
Nagkandaiyak na lang sa galit si Jobert, kung puwede lang sigurong hukayin nito ang semyento para ilubog ang kanyang buong katawan ay ginawa na ng aming kaibigan-kasamahan sa sobrang kahihiyan, hindi sasapat ang basta paliwanag lang ni Morissette Amon sa naganap.
Sayang, paborito pa naman namin ang female singer na ito, pero kung ganyan naman ang kawalan niya ng pagpapahalaga sa kanyang kapwa at sa kanyang propesyon ay may kailangan na siyang asikasuhin sa buhay niya.