SIKAT na aktres, primera sumbungera!
Maganda na, angelic pa ang fez… saan ka pa?! Kaya siya naaaahhh!!!

Bata pa si ate nang mag-start sa showbiz. May kamag-anak siyang taga-showbiz kaya madali siyang nakapasok.

Bumida agad-agad si ate sa teleserye at pelikula. Mabilis siyang nakilala hindi lang dito sa lupang hinirang kundi maging sa ibang Southeast Asian countries.

Naging dalaginding … abaw kalabaw! Sikat pa rin siya, ha, take note?!

Bongga kasing umakting at knows niya rin ang singing & dancing. Versatile. Multi-talented.
Hindi siya nawawalan ng tv shows at movies.

Nagdalaga si ate at nag-bloom into a beautiful woman.

Super-galing umakting. Keribels ang dancing. Pwede na rin ang singing. Plenty na ang kanyang fans.

PERO bakit ganu’n? Hindi siya ligawin. (BUTI PA AKO!!!)
Iyan ang pinagchichismisan ng mga dalahirang nagkukutuhan.

“Superganda siya at sikat pa, what’s wrong?”
Palaisipan iyan sa mga badidang sa parlor.

May mga nanliligaw kay ate pero bakit hindi siya nagkaka-boyfriend?
Bakit?

Tanong ng press & presstitutes.

Baka may atitude o ayaw pang magkajowa o gusto niya pang mag-focus sa kanyang career.
Kaya lang, ang mga kasabayan niya, may mga jowa na. I’m 101% sure… INGGIT siyaaaahhh!!!

TERA!!!

Hanggang dumating ang right guy sa kanya. Isang sikat na actor at controversial pa.
Nabigla na lang ang madlang people nang nagpa-interview ang dalawa at inaming sila na.
Palakpakan ang fans, pati na hindi niya fans.

Masaya ang pamilya niya lalo na ang ang friends nila.
“Finally!” mataginting nilang hanash.

Naging maayos ang lahat kahit iniintriga sila ng iba. Kaya lang, si ate… naging PATOLA at sumbungera.

Pag nele-late ang alalay, make-up artist, handler, driver… sumbong agad si ate kay boyfriend.

Si jowa naman, pinagsasabihan ang kinauukulan nang malumanay ang boses.

Minsan, kahit talent coordinator na minamadali lang si ate dahil late na siya, sumbong-sumbong pa rin si ate kay kuya.

Sa isang tv talk show, napag-usapan silang magjowa. Ito palang si boyfriend eh may bisyo.
Nataon namang napanood ito ni sumbungera.

Hanggang nagkita si gay talk show host at ang mag-jowa sa isang out of town show.
Nagkagulatan sila sa backstage.

Big­lang kinalabit ni girl si jowa at inginuso si bading na host pala ng show.
Chika ni ate, bakit sinisi­raan ni baklush ang boyfriend niya?

Hindi nakapagsalita si boyfriend.
Na-shock si beki.

Sinabi ng lalaki na hindi totoo ‘yung isyu.
Nagsori naman ang bading.

Umokey si actor.

Pero si actress, NAKASIMANGOT! Nakatingin sa itaas na parang naghahanap ng butiki.
Ang gusto yata ng hitad na ate eh bigwasan ni jowang aktor ang bading na host.

Kaso… hindi ‘yon nangyari.

Hanggang napanood na lang ni bading sa tv na hiniwalayan ng sikat na actor ang hitad na aktress.

Tumawa ang beki at ang sabi, “Sumbungera kasi! Buti nga!”

***

Sa drug lord na gustong manligaw sa akin, PLEASE LANG PO… ibaling na ninyo sa iba ang inyong pagtingin.

Hindi ko po pinangarap na maging Bilibid Queen!