ANG dating member ng all-female group of ­dancers/singers, aktres na raw. (SABI NIYA!)
Ilan na lang silang members na napapanood pa sa TV. Sa movie, wah na sila project.

Simula nang napabilang ang hitad sa TV show na maraming ­sikat, ini-level niya agad-agad ang kanyang name at beauty sa mga kasamahan.

Kung my ere ang mga sikat, eere rin ang hitad.
Kapag late ang mga kasama niya, magpapa-late din siya.

Basta, feeling-fee­ling-an siya at belong na belong sa mga star.
May mga request na rin siyang food at oufits. Pati dressing room, dapat solo siya.

‘Yung ganyang ­attitude, dala niya sa ­bahay at sa labas. ­Minsan, nagawi siya church. (O, DI BA? NAGSISIMBA ANG HITAD!)

May lumapit na ­carpark boy.
Sabi niya, huwag. Pag bigyan niya ito, ­ibibili lang daw ng drugs! ­(TARAY!)

May lumapit na sampaguita girl. Inalok siya.
Hindi niya feel ang amoy.

Lahat ng lumalapit sa kanya, don’t like ­niya lahat.
Paglabas niya sa simbahan, nakairap pa ang mahadera.

Shocked siya nang ma-sigh ang kanyang car.
Tinambakan ng ­basura!

Walang ingay na narinig sa kanya.
Halos paliparin ­niya ang kotse paalis sa lugar.

Natakot si Maha (as in Mahadera) na kuyugin siya ng mga utaw sa paligid.
Hindi pa naman siya masyadong pretty.

Woooooohhhh!!!