Aktres, nagsungit sa pulang damit

change

BEAUTIFUL & controversial actress, nag-change na!

Nakilala natin siyang mabait, palabati, laging nakangiti. Bakit ngayon, nag-iba siya?

(Lungkot ako. Kasi, gusto ko siya).

Nagka-best actress award na siya sa TV man o pelikula. Matulu­ngin, mapagmahal, maalalahanin.

‘Yun lang, maraami ang nakapansin na nag-attitude na siya matapos ang mga nangyari sa kanyang career at lovelife.

Sa isang event, may production number siya kasama ang tatlo pang leading ladies ng entertainment industry.

Simpleng dance lang ang gagawin nila. Super-emote lang with matching pa-cute.

Pinagdala sila ng red dress dahil ‘yun ang gusto ng client. Bring naman siya ng dress.

Nang bibihisan na sila, na-shock ang stylist. Ibang shade ang dala. Malayo sa tatlong kasama na red talaga.

‘Yung kay beautiful & controversial actress, fuchsia.

Siempre, wah feel ng E.P. (executive producer).

Kinumbinsi si beautiful & controversial actress na iyung dala na lang ng stylist ang isuot niya para pare-pareho silang apat. Kinuha ni actress ang bestida.

Nang bibihisan na siya, biglang hinablot ni actress ang bestida at itinapon.

Nagsumbong ang beking tagabihis. Enter si E.P., kataku-takot na pakiusapan. Pati director, chinika na siya, hanggang pumayag na si ate.

At nang nasa stage… performance level si ate!

Nangibabaw siya sa production number!

Lutang na lutang ang kanyang ener­gy!

Oozing with good vibes!

Matapos ang sayaw, back to sungit mood si ate. Pinatanggal agad-agad ang suot ng red dress.