Hanggang ngayon ay pinagsisisihan pa rin ng isang magandang aktres ang pakikipagrelasyon niya noon sa isang macho dancer.

Teenager pa lang noon si aktres nang makilala niya ang isang guwapo at daks na macho dancer. Parehong mapusok kaya nangyari ang dapat mangyari, paulit-ulit pa.

Alam ng magandang actress na hindi lang siya ang kinakana ng lover niyang macho dancer dahil sa uri ng trabaho nito. Hindi naman ito nililihim sa kanya ng macho dancer na nakikipag-sex siya sa bakla, sa matrona at sa mga babaeng nagtatrabaho sa bar pero siya raw talaga ang true love ng macho dancer.

Isang araw, may dance rehearsal si magandang actress pero iika-ika siyang nagsasayaw at nakasuot ng basketball shorts.

“Ano Yan ____ ( pangalan ng young actress), bakit ka iika-ika? Anong nangyari dyan sa belat mo?” sita sa kanya ng mataray niyang manager.

Inamin ni magandang actress na may STD siya, na nakuha niya sa pakikipagtalik sa BF niyang macho dancer.

Piniktyuran niya ito sa cr at ipinakita sa kanyang manager. Gulat na gulat ito’t nagtititili. Nagnanaknak kasi.

May mga gamot naman para rito kaya gumaling naman kaagad ang sugat nito sa kanyang kaselanan.

Nang gumaling na, hiniwalayan na ni magandang actress ang macho dancer at pinandidirihan na niya ito hanggang sa nakapag-asawa na ito ng isang Fil-Am.

Sino sila? Maganda pa ang actress although sa ngayon ay hindi na siya ganoon ka-visible sa showbiz. May isang anak at mukhang maligaya naman ang kanyang married life although gusto pa rin niyang maging active sa industriya.

Si macho dancer naman, nagkaroon ng chance sa showbiz pero mas gusto niya ang instant money. Ayaw niyang mag-memorize ng lines. Hindi na siya nagma-macho dancer ngayon pero rumaraket pa rin siya sa mga matrona at bakla dahil super daks talaga at may itsura pa rin. (Timmy Basil)