Matapos kong marinig ang aking impeachable source na may hanash at kuda tungkol sa isang actor at actress, nauunawaan ko na ang lahat.
Magkasama sa trabaho ang actor at actress. Siyempre, dahil matagal ang paggi-ling ng camera, marami ang nalulugod at sumusubaybay sa kanilang pagtatambal, may mga namumuong damdaming hindi puwedeng mapigilan.
Si actor pala ang unang tumibok ang puso para sa kanyang katrabaho. Si aktres daw, deadma lang noong una. Pero isang gabing magkasama silang nagpapaka-saya, ang aktor, hindi sinasadyang naging tipsy. Si actress din, hindi rin sigurado kung bakit siya naging tipsy. Kaya is it safe to conclude na ‘pag may alak, may balak? At ang kasunod na eksena, pagsasaluhan nila ang init sa magdamag?
All is well na sana para kay actor at actress. Kaso, ito raw si actress, mahilig magpakamot sa kating hindi naman fungi ang dahilan. Isang gabi na naman, si actress tipsy na naman at masayang-masaya. Bakit kaniyo? As expected, si actress ay nangangalabit.
Ang additional chika ni impeachable source, ang isa sa mga suso ni actress, how true na may isang kamay na sapo-sapo ito, pinipisil-pisil, pinanggigilan. Ang nakakaloka, hindi si unang aktor ang nagpapakasasa sa susong dalaga ni actress, ibang actor-actor-an ang masayang-masaya. Alam mong libog na libog na kaya ang kamay ay na-ging mapangahas na. Si actress, go lang, hindi pinipigil ang mapagla-rong kamay. Ang drama, suso ko naman ito, ipahahawak ko sa kung sino man ang gustong humawak, basta type ko.
Ang mas nakakaloka, ang hindi inaasahan ni aktres, ang unang aktor, nahuli sila. Ayon kay impeachable source, hindi naman daw nagwala ang aktor. Ang aktor, nag-dagger looks lang at nag-walk out the door at sa buhay ni actress.
Kaya nga marami ang takang-taka at gustong mahibang sa poot ni aktres sa aktor eh siya naman pala ang nahulihang may ibang lalaking lumalamas sa suso niya. Iba rin ang actress huh! Kaya naman pala.
***
Pops nakikiagaw kina Ai Ai, Bayani
Makakatulong ba ang pang-uurirat sa romantic statua ni Pops Fernandez para limpak-limpak ang kitain sa takilya ng movie na “Feelenial (Feeling Millennial)”?
‘Yung pagiging mausisa ba kung masaya, malungkot, tigang ni Pipay, may bearing para ang mga manood, maakit, lumabas sa kanilang mga tahanan, sumugod sa traffic at isama ang buong pamilya sa pelikulang ang bida ay sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani?
Kung nag-iisa siya at masaya sa kanyang buhay, mararahuyo ba talaga tayong sumugod sa pinakamalapit na sinehan at makakaasa ba tayong sasakit ang tiyan natin sa kakatawa dahil panalong-panalo ang bagong tambalang AiNi sa paparating na pelikulang ito?
Kung ang sagot niyo my dear Abante Tonite readers ay isang pangmalakasang “HINDI!” at nagdadabog ang inyong collective bangs, kay Ginang Fernandez, sa susunod na may magtanong sa iyo tungkol sa state of your romantic heart, knowing how shala and yayamanin naman you are, please politely decline to answer the query.
Of course, hindi mo fault na marami ang curious kasi nga isang dekada na free ang puso mo, sa true lang, nakakaagaw pa sa publisidad nina Ai Ai, Bayani at sa pelikula ang mga tugon mo tungkol sa romantic aspect of your lady of leisure life.
Hindi ba dapat, bilang producer, ang assets at merits ng pelikula ang focus at hindi sa iyo? Good copy nga ang hanash mo pero mas ang i-push mo Ginang Fernandez ay kung bakit dapat panoorin ang pelikulang “Feele-nial”? Bakit nga ba?