BATA pa ang aktor noong mag-start sya sa showbiz.
Tumatawid-tawid siya sa tatlong TV station para rumaket.

Sa murang edad ay nagka-award siya.
Hanggang naging teen star siya. Marami pa ring teleserye ang kanyang nasalihan.

Nakaipon siya at nakatulong nang malaki sa mga magulang niya. Nabibili niya ang mga gusto niya, pati kotse.

Dahil sa dami ng nagsulputang artista, dumalang ang shows niya. Pati mga out of town raket, na-lost in space.

Sayang naman ang akting niya na pangmatagalan sana. Palaban din siya sa hatawang sa­yaw at pagkanta.

Nag-decide siyang mag-business via online selling. Imported shoes ang iniaalok niya.
Dahil sa dami ng naging friends sa showbiz, ang mga ‘yun ang binentahan niya.

Bumibili naman ang kanyang showbiz friends and acquaintances.
Pang-award kasi ang sales talk niya. Hindi makahindi ang kachika niya.

Kapag dineliver­ na ang shoes, chika to the max ulit. Kaya binabayaran siya agad nang buo.

Pero ito na, ang mga binentahan niya, nagkakaisa ang chika… Ang shoes na binili nila kay bagets, FAKE!

Huwad!

Super-tanggi si ba­gets pero hindi siya niluba­yan ng mother ng isang binentahan nya, isinama siya sa store ng Nike at ipinasuri ang dalawang pares ng shoes.

Ang verdict ng Nike … fake nga ang shoes.
Naawa na lang si mudra at 1 pares na lang ang pinasauli ang bayad kay bagets.

Sa ngayon, tinigilan na ni bagets ang pagbebenta ng fake.
Baka masaktan na siya.

***

shalala-actressActress, may kakaibang trip!.

Dahil magaling, hindi nawawalan ng serye ang aktres at suki siya ng mga indie movie.

Nag-start siya sa showbiz nang siya ay dalagita. Noon pa man ay kinakitaan na siya ng galing sa akting.

Humilera ang name niya sa mga sikat na kaedad niya. Nakasama siya sa youth-oriented show na my kanta­han, sayawan, akti­ngan at kung anik-anik na chururut.

Napansin ang ga­ling niya roon. Habang tumatagal ang show ay siya lang ang nagiging daring.
Pati kissing, OK sa kanya.

Nagdalaga si ate. Nagmahal. Nakipag-live in. Nasaktan. Nakipaghiwalay.
Nagmahal ulit. Nasaktan muli. Nakipaghiwalay na naman.

May um-enter ulit na naman sa kanyang puso, puson at pudendum pendulum.
Tapos, wala raw ulit.

Dahil kakaiba ang naging lovelife, umiba na rin ang role niya. Laging kontrabida si ate.
OK na sa kanya ang kissing scene sa kapwa babae.

Dahil nagbibilad na rin siya ng katawan, dala-dala niya ito sa bahay niya.
Minsan, dumalaw sa kanya ang isang friend niyang badidang.

Nagulat si gay friendship nang bumulaga si actress na naka-panty lang at walang bra.

Tumili si beki at sinabihan si actresa na magdamit dahil kinikilabutan siya.
Chika ni ate, OK lang ‘yun. Lagi siyang ganu’n.

Si bading, tili nang tili. Si actress, tawa lang nang tawa