Aktres, nakakalukring ang ‘something’

CONTROVERSIAL actress, may windang factor sa mga nag-interview.

Makulay ang mga drama at eksena niya sa Pinoy showbiz.

May awards na siya. Top-rated ang teleserye. Blockbuster ang ­movies. Mas makulay pa sa rainbow ang lovelife.

Kung negative issue ang pag-uusapan, arriba-arriba rin ang beauty niya.

Kaya kapag na-sight siya ng press people at TV crew, run to you ang mga ito sa kanya.

Nagpapaunlak naman si ate.

Hala! Chika kung chika, explain kung explain, hanash kung hanash, kuda kete kuda!

Hanggang napansin ng mga nakapaligid sa kanya ang something ang nagsi-see-saw sa butas ng ilong niya.

Nagtinginan ang press people at TV crew. Nagsenyasan. Nagkala­bitan kung sino ang magsasabi kay actress na nakakawindang ang labas-masok na super-kula­ngot sa ilong niya.

Naglakas-loob ang isang kaibigan na bulu­ngan si aktres.

Napa-AY si ate sabay talikod at kinalikot ng tissue ang kanyang ilong.

Pagharap, walang anuman na nagsalita si ate…

“Next question po?”

***

Ang pogilicious na young actor na ito, nagkapangalan na rin naman at naging lead role sa isang drama ­series.

Hindi pa man ganu’n kasikat ang hitod, nag-­attitude na agad.

Minsan, nagpunta sa isang yayamaning ­salon para magpa-cut ng hair.

Siempre, na-excite ang mga bayot dahil majujupitan na nila si cutie pie young actor.

Enter the dragon­ pa lang si pogilicious sa salon eh tarantula na ang head stylist na jokla.

Pina-shampoo day si bagets.

Then, pinaupo sa sa jumijikot na chair.

Ang maggugupit, na­nginginig sa excitement. Eh ano ba kung attitude? Basta, pogilicious!

Tsalap-tsalap!

Hinawi ng jokla ang buhok ni pogilicious.

Natigalgal ang juding nang ma-sight ang tenga ni bagets.

Marumi!

May tutuli!

Ilang seconds na tulaley si bading. Hindi makatili.

Wala siyang choice kundi gupitan si pogilicious bagets kahit factory ng tutuli ang taynga nito.

Trulili!