CHARACTER ­actress, pini-feel na sikat siya at maiha­hanay sa mga kilalang best actress ng bansa.

Noon pa mang nag-uumpisa siya sa showbiz, may pagka-weirdo na ito.

Gusto niya, sa ­sulok lang siya. Hindi siya nakikihalubilo sa co-stars niya sa serye.

May sariling mundo siya, ­kumbaga. Kaya up to now, wala siyang masasabing naging friend sa showbiz.

Pero sa usaping jowa, nakailan na rin si ate. Maganda ­naman siya pero kung titingnan mo, prang kakainin ka nang buhay.

Hindi siya nababakante sa mga teleserye sa kanilang station, pero mailap sa kanya ang kinang ng showbiz.

Sa mga naging jowa niya, either may asawa na o hiwalay, o kaya eh binatang ama.

Hindi nasisilayan ang character actress sa mga variety, musical o talk shows.

Hindi kasi makalimutan ng isang ta­lent coordinator ng Sunday musical show kung paano siya pinahirapan ni actress na may tililing yata.

Sing & danz ang production # na gagawin. Makakasama niya ang mga not that young but not so old na kapwa supporting actresses.

Unang tanong ni ­aktres-aktresan, sinu-sino­ ang makakasama niya sa production number.

Chinika ni TC. Aba, biglang tumaas ang boses ni feelinggera at ang hanash, hindi niya ka-level ang mga ‘yon.

Dagdag na kuda ni ate, dapat sa mga lead ­actress siya isama.

Nawindang ang TC sa mga hirit ni ate, pero kalma lang siya dahil inutusan siya ng mga kataas-taasang utaw ng show.

Pilitan to the ­highest level ang ginawa ng TC. Ginamit niya ang full force ng kanyang convincing powers kahit gusto niya nang ­sapakin si ate na lume-­level.

Hanggang napapayag niya ang hinayupak na babae.

Pero may mga request si ateng makulit.

Dapat, siya ang huling lalabas sa production #. Dapat, mas mahaba ang part niya.

Hirit pa ni ate, hindi siya magre-­rehearse, doon na lang siya sa studio at dapat, may sarili­ siyang dressing room.

Doon na bumula ang bibig ng TC at tinalak-­talakan ang ­luka-lukang actress.

Tumawag ang TC sa EP at isinumbong-sumbong si mental girl.

Sabi ng EP, OK lang, pabibigyan na lang si ate ng memo na pahinga muna at hindi bibigyan ng show.

Sa ngayon, jowa ni ate ang isang actor na wah rin show at may anak pa!