Aktres nakarma sa kamalditahan

NAGBAGO na at naging maldita itong isang not so young actress. Nu’ng bago -bago pa lang ito sa showbiz ay approachable ito sa mga close niyang press. Sumasagot sa text at dumadalo sa mga birthday pag iniimbita.

Pero nu’ng nagkapangalan na at sumikat ng konti ay dedma na siya sa mga ito. Kapag tini-text siya ay hindi na nagri- reply. Kahit tawagan, hindi sinasagot ang cell.

Kapag nakikita siya sa mga showbiz gathering,hindi lumalapit para bumati at bumeso. Kinakawayan lang sa malayo ang mga press na close sa kanya. At minsan pa ay hindi bumabati,huh!

Malaki ang pagbabago niya. Dahil dito nagtatampo sa kanya ng mga kaibigan niya sa press.

Litanya nga nu’ng isang press,”Ayan,nakakarma siya. Hindi siya binibigyan ng show ngayon ng kanyang network. Mabuti nga sa kanya,noh!’

Sino siya ? Produkto siya ng isang artista search. Nakapagbida na siya sa serye. May ka-loveteam siya rati .(Rommel Placente)