SUPPORTING actress for life, lungkut-lungkutan na sa nangyayari sa lovelife niya.

Matagal na yung huli niyang karatan kaya ngayon ay atat na atat na siyang magkajowa.

Inggit much siya sa mga beki ‘pag nagkukuwentuhan tungkol sa mga hada nila.

Join siya sa mga halakhakan at tilian ng mga bading, lalo na sa size ng mga nota ng hagip nila.

Biglang chika si ate ng, “Buti pa kayo!”

Hanggang na-meet niya ang isang young actor na matagal na niyang type.

Gumogora pa siya sa bar para makita si crush na kinakausap naman siya pero iniiwan din siya.

Nagkita silang muli sa isang event.

Pinilit ni ate na mapasama siya sa kuwarto nito, kasama ang ilang aktor at mga TH na young star.

Para siyang aso na sunod nang sunod kay young actor na hindi naman siya pinapansin.

Walang keber si ate. Sunod kete sunod pa rin sa young actor.

Hindi nakapagpigil si young actor at diniretsong hindi siya type nito at may nililigawan na itong babae na hindi taga-showbiz. Halos himata­yin si ate na parang binagsakan ng pison ang dibdib sa sinabi ni actor.

Tumalikod si ate.

Ang daming nakakitang umiiyak siya palabas ng dressing room.