Naglabas ng sama ng loob ang isang talent manager sa dating alagang aktres.

Paano raw kasi, umalis ito sa kanyang pangangalaga gayung wala naman daw siyang natatandaang may nagawang mali rito. In terms of project naman daw, ay lagi niya itong nabibigyan. Lagi raw siyang humahanap ng project para sa dating alaga. Hindi raw siya nagkulang sa pag-aasikaso rito.

Laking gulat na lang daw niya nang magpaalam ito sa kanya, na hindi na ito magpapa-manage sa kanya. At wala raw itong binigay na dahilan. At ang ikinaloka raw niya, thru text lang daw nagpaalam ang aktres sa kanya. Sana man lang daw ay kinausap siya nito nang personal, at sinabi ang dahilan kung bakit ayaw na nitong magpa-manage sa kanya.

No choice na lang daw ang talent manager kundi tanggapin ang ginawang pag-alis ng aktres sa kanyang kuwadra kahit pa may kontrata pa raw ito sa kanya. Ayaw naman daw niyang pilitin ito kung talagang ayaw na nito sa kanya.

Pero bago pa raw nagpaalam ang aktres, naramdaman na raw niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya. ‘Yun pala ay may balak daw itong kumalas na sa kanya bilang talent niya. Sino ang aktres? Produkto siya ng artista search.