Aktres, noong Marso pa humiwalay sa asawa

KAHAPON lang namin nakumpirma sa isang character actress na noong Marso pa pala sila hiwalay ng kanyang asawa na isang ­businessman.
Ayaw na lang ni aktres na ikuwento pa ‘yan dahil hindi magandang balita para lang mapag-­usapan siya.

Alam ng mga kaibigan niya ang buong pangyayari at kung ano ang dahilan.
Nakiusap siya sa amin na ­huwag na namin siyang tanu­ngin kung ano pa ang nalalaman niya sa kanyang asawa.

“Minahal ko rin naman siya noon, kaya ayaw ko na siyang siraan. Kahit marami ang nagtatanong sa akin, ­ayoko nang magsalita,” pahayag ni aktres nang naka-text namin kahapon.

Ang isa sa mga dahilan ng hiwalayan ay ang ‘di nila pagkakaroon ng anak.

Sinikap niyang maayos pa nila at ma-work out ang lahat, pero hindi na talaga kinaya, kaya nag-decide na siyang makipaghiwalay.

Kaya bahagi nang pag-move on, gusto sana niyang tuluy-tuloy na trabaho.