MARAMING nayayabangan sa semi-retired actress na ito, pero ang totoo, magaling siyang makisama sa mga taong gusto niya!

Nang malaman niyang nagbebenta ng kakaibang lightings ang isang kilalang make-up artist na nakakatulong para lalong mapaganda ang mga taong nagme-make-up gamit ang mga ilaw na ‘yon, pumunta siya sa studio ng kilalang make-up artist para bumili.

Gusto ni semi-retired actress na makatulong sa negosyo ng kilalang make-up artist.

Ang ikinaloka ni kilalang make-up artist, pinakyaw ni semi-retired actress ang mga paninda niyang mga ilaw.

Gusto kasi ni semi-retired actress na makatulong sa negosyo ni kila­lang make-up artist.

Si kilalang make-up artist ang nahiya kay semi-retired actress, pero hindi nagpaawat ang huli.

“Ano ka ba, magaganda ang mga tinda mo at tulong ko ‘yan sa ‘yo!” sey ni semi-retired actress sa kilalang make-up artist.

One Response