Aktres, seksing-seksi dahil sa sobrang hilig

NOON ay pa-sexy-sexy at pa-bold-bold lang si ate sa mga pelikula.

Hindi niya ito ikinahiya. Eh kasi naman, dito siya nakilala at yumaman.

Magaling siyang talaga kaya na-handle na siya ng mga award-winning director.

Kung nakilala siya sa pelikula, hindi siya nagpaawat dahil pati sa television eh kinarir niya.

In fact, may tele­serye pa rin siya nowadays.

Kahit hindi na siya ganu’n kasariwa, mabenta pa rin siya sa mga fiesta­han sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Sing & danz si ate with matching lifting na hagis sa ere, ‘tsura ng cheerleaders na itina­tapun-tapon.

Yakang-yaka ‘yun ni ate sexy!

Tanong tuloy ng mga utaw, bakit bumaba­gets pa rin ang itsu niya at napakagaling pa ring sumayaw?

May jowa na siya at junakis pero hindi halata sa kanya.

Paano naman, andaming ginawa sa kanya mula ulo hanggang paa. Inggit lang sila dahil yayamanin ang jowa niya!

Lahat ng gusto ni ate, napapasakamay niya. Full support naman ang papa niya na may legal wife.

Escabeche si ate pero dedma siya. Keber!

Bisi-bisihan siya sa career, lalo na sa pagsasayaw.

Sobrang hilig si ate sa pagsasayaw kaya napapa­natili niya ang kanyang alindog.

Napakalakas ng loob niya sa dangerous dance.

Eto na, tinanggap niya ang raket sa isang province na special guest siya sa dance contest.

Ayaw niyang magpakabog kaya sasayaw rin siya.

Rehearsal na…. Nakakabilib si ate! Walang takot sa stunts ng sayaw.

Ikot dito, lifting doon! Hagis diyan, salo doon!

Tumbling sa harap, ibinato sa likod.

Kaya n’yo ‘yun?!

Andaming choreo. Andaming balibag. No wonder, pawisan ‘yung mga sumasalo.

Pagkatapos ng praktis, kulang na lang eh itak­bo ang mga dancer sa ospital dahil kay ate na pa-catch nang pa-catch.

Before pumunta ng venue, nag-request ulit ang luka-luka na i-perfect nila ang pag­hagis-hagis sa kanya sa ere, then sasaluhin siya nang naka-SPLIT.

1-2-3 GO! Hala! Sige! Hataw-hataw si ate. Hagisan na, mga 12 times… halos magiba ang danz studio.

Ang mga beki at mhin na tagasalo, halos pa­nawan ng ulirat sa sobrang hirap.

Palakpakan! Tapos na! Ready nang gumorabels sa show, biglang tumili si ate ng PRAKTIS PA MORE!

Walang magawa ang grupo dahil malaki ang bayad sa kanila. Kahit hilo na ang dan­cers, sige… hataw! Lifting! Giling! Hagis! Sinalo! Bongga!

Eto na ang pinakamahirap na parte…. ihinagis si ate nang mataas…

Ang narinig na lang ay malakas na tili ni ate.

Hindi siya nasalo.

Duguan ang face ni ate, lalo na ang ilong.

Puro ARAYYYY si ate. Napilayan yata.

Nagpatawag ng hilot dahil buong katawan niya, masakit.

Ang ending, hindi na siya nakapunta sa show pero nakarating naman siya sa ospital.

***

Sino nagsabi nito sa loob ng bilihan ng kotse, “Sige, pumili ka na. Iyan lang naman ang role ko sa buhay!”

Maraming tao ang nakarinig, ha?!

Ang unang tatlo na tama ang hula, iki-kiss ko sa kili-kili!