tonite-no-thanks-cristy-fermin

Tawa kami nang tawa sa kuwento ng isang source tungkol sa isang pamosong aktres na kasama ngayon sa isang serye sa isang malaking network.

Kilalang-kilala na siya dahil bagets pa lang ang female personality ay artista na siya. Nagbida na siya sa mga ser­yeng markado, maga­ling kasi siyang umarte, hindi siya nawawalan ng proyekto.

Marami na ring pinagdaanang pagsubok sa buhay ang babaeng personalidad, masalimuot ang kanyang lovelife, ilang dagok ‘yun sa kanyang buhay-pag-ibig na lahat ay nalampasan niya ng matagumpay.

Kuwento ng aming source, “Pero alam kaya ng mga kababayan natin na mahirap ayusan ang aktres na ‘yun? Sumusuko sa kanya ang make-up ar­tist at hairdresser niya!

“Mas­yado siyang malikot habang inaayusan! Kapag may kausap siya sa phone, e, galaw siya nang galaw, nawawala tuloy ang concentration ng nag-aayos sa kanya!

“Lalo namang hirap na hirap ang hairdresser niya! Super-likot nga kasi siya! Nand’yang mahiga siya, nand’yang tumayo siya kapag may tumatawag sa kanya, hindi siya mapakali!

“Habang nakikipag-usap siya, e, tigil siyempre ang pag-aayos sa kanya, di ba? Biglang sasabihin ng staff, ‘O, get ready, malapit na tayong mag-roll!’

“Juice colored! Saka naman siya magmamadali, halos agawin na niya ang brush at blower, mapabilis lang ang pag-aayos ng buhok niya!

“Aapurahin din niya ang make-up artist, ‘Bilis! Bilisan mo! Malapit na akong sumalang!’ Ganu’n siya palagi, kung anu-ano ang pinaggagagawa niya, kaya ang make-up artist at hairdresser ang nai-stress sa kanya!

“Sa tagal na ba naman niya sa pag-aartista, e, hindi pa rin niya alam ang kalakaran? Bagets pa siya, e, umaarte na siya, meron na siyang mga anak at apo ngayon, ganyan pa rin siya?

“Naku naman! Nakakaloka talaga ang babaeng ‘yun na pinahihirap ang trabaho ng mga kasamahan niya! Naku, anak ni…,” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.
***

Matteo-Sarah lihim na nagpakasal

Bahala na ang kampo nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung paano nila tatanggapin at ipagkakaila ang sariwang-sariwang balitang nakarating sa amin.

Una, ayon sa aming source ay secretly married na sina Matteo at Sarah. Ikalawa, nu’ng nakaraang Huwebes ay magkasama silang nag-scout ng condo unit at nakakita na sila.

50M ang halaga ng unit pero nakiki­pagnegosasyon pa rin sila para mabawasan ang presyo. Ang napili nila ay isang unit sa Amorsolo Condo Building sa harapan ng Edades Condo sa Rockwell area.

Ayon sa a­ming source ay malaki ang posibilidad na idenay ng magkarelas­yon ang kuwentong ito dahil baka walang alam ang pamil­ya ng singer-actress pero naninindigan ang aming kausap na hindi multo ang nakita ng mga nakatira na sa Amorsolo Condo Building.

Isa pa ay nasa tamang edad na sina Matteo at Sarah para bumuo ng sarili nilang mundo. Balitang nagpaalam na ang aktor sa pamilya ng singer-actress pero hindi pumayag ang pamilya ni Sarah sa plano na sana nilang lumagay sa tahimik.

Sundot pa ng aming source, “Kapag nagdenay sila tungkol sa pag-scout ng condo unit, mag-imbestiga na lang kayo sa building.”
***

Magaling na aktor dyowa ng tv executive

Isa pang napaka­init na kuwento. Hindi nawawalan ng proyekto ang isang hindi na kabataang male personality sa isang network.

Talagang hindi dahil kung minsan ay nagkakasabay-sabay pa ang kanyang mga serye sa istasyon. Ang tanong, totoo bang karelasyon ngayon ng male personality ang isang ehekutibo ng nasabing network?

Hindi beki ang napapabalitang karelasyon ngayon ng magaling na aktor.