Aktres suko maging ‘impakta’

Kung interasado kayo sa official statement ni Pinky Amador tungkol sa kanyang diva with an attitude moment, by all means, click your favorite search engine para sa kabuuan nito.

Nahimasmasan na kasi siya matapos ang matinding paranoia sa mga kaganapan at diumanong kapabayaan ng mga tauhan sa condo-tel na kanyang tinitirhan.

Bahala na kayo diyan kung gusto niyang siyang panigan at may resolve kayo na kung sa inyo nangyari ang kanyang karanasan.Baka mas matindi ang mga pinakawalan niyong mura at masasakit na mga salita sa staff ng condo-tel.

Bahala na rin kayo kung sa tingin niya ay justified and reasonable ang kanyang dramatic outburst.

Call this kolumnista conservative pero in my book, what she did, ang hirap sikmurain at tanggapin kasi kahit pa nga sa iyong opinion ay “bobo” ang mga kausap mo, tao sila at ‘yung pamamahiya mo at pangmalakasang pagmumura, kung makatao iyon in your book, then iyong-iyo na ang ganiyang kagaspangan at kabastusan.

Sana, ang paumanhin ay tunay na sinsero. Matanda ka na kaya hindi dapat ipamukha sa iyo kung ano ba ang mabuting asal at tamang pag-uugali.

Kaya tigilan na ako na you were worried for the safety and sanity of your neighbors, please. You can never sugarcoat the truth.

Hindi ka naman sumikat in a major, major way kaya kung sakaling mas lalong dumalang ang proyekto after bleeding and caring for your people, sanay ka na naman sa la ocean deep (laos) territory.

**

Komedyante kakabugin si Vice

Hindi na mapipigil pa ang “Mudrasta,” ang pagbabalik pelikula ni Roderick Paulate mula sa T-Rex Entertainment.

Hindi kaya ma-insecure ang Megastar Sharon Cuneta,ang orihinal na “Madrasta” ngayong aariba na muli si Kuya Dick sa pelikula?If my memory serves me right, naka-grand slam si Ate Shawie bilang best actress sa nasabing pelikula. Eh pag si Kuya Dick kaya, sa best actor mag-grand slam?

Naku ha, parang mas dapat kabahan ang tila nabantilawan ang karerang si Vice Ganda sa balik pelikula program ni Paulate, huh! Alam naman natin lahat na hindi perfect ang comic timing nito, marunong pa talagang umarte. Eh ang Queen Bayot, maliban sa pang-aalipusta sa mga kasama niya sa pelikula at umastang pinagnanasaan ng mga leading men niya, asan ang angking kakayahan sa pag-arte?

Sa mga lumaki at humanga sa comic flair ni Paulate, go for gold ang kanyang Roda persona sa naturang proyekto. Sa totoo lang, marami ang talagang ang nakaka-miss.

Ang isa pang nakakilig na factor, ang magiging leading man ni Kuya Dick. Naku sure na sure akong marami ang kikiligin at maiingit sa tambalan nila.

Ang clues sa katambal ni Kuya Dick. Sure na lalaki. Meron bang artista na hindi sure na lalaki siya? Hahahaha! Walang bahid. Hindi pamhinta. Walang urband legend na naging jowa ni this and that bekibel o babaing ang pag-uugali ay parang bakla.

Siguradong guaping. Naku, maintained ang kisig. Hindi pa rin matatawaran ang tikas. At higit sa lahat, hindi lang marunong, mahusay ring umarte.

At special request ni Kuya Dick na siya ang maging kapareha. Naku ha, pag ni-reveal ko kung sino ang hombrelicious ni Roderick sa movie, kung hindi kayo mag-we-wet, wet, wet, pwede rin kayong mamatay sa inggit dahil sa true lang, masarap siya. Hahahaha!

By this month’s end, buo na ang cast at sa Agosto, go for gold na ang kanilang mala-extra challenge na shooting.