COMEBACKING actress, parang abnormal kapag natutuwa! Pretty siya kahit may mga anak na at jowang afam. Na-maintain niya ang ganda ng mukha at hubog ng katawan.
Umalis siya noon sa kalagitnaan ng kanyang kasikatan dahil biglang nagka-jowa.
Matagal din bago siya bumalik. Feeling kasi ni ate, may chance siya na maging Hollywood actress.
Kaso, nanatili iyong pangarap na bituin. Nganga siya sa Hollywood kaya she decided to come back to the Lupang Hinirang of LuzViMinda.
Sinuwerte siya sa kanyang I Shall Return. Nagka-movie si ate. Back to back ang guestings sa TV. Napasama pa sa dalawang serye & commercial.
Pero sabi ni ate, kailangang may quality time siya for her kids & husband.
Super-happy si ate at abot-kamay niya ang pangarap na iyon.
Ang pinakagusto nila ay watching movies.
One day isang araw, ‘yung papanoorin nila ay feel na feel ni actress dahil nabasa niya ito sa libro.
Start pa lang ng movie, pumalakpak na siIya.
Sa mga susunod na eksena, chinichika niya ang jowa, “This scene, my God, is so good!”
Pagkatapos, super-sigaw si ate, “I KNEW IT! Wooooohhhh! I love this movie!”
Walang keber si ate kung nabubuwisit sa kanya ang ibang manonood.
Pinapatigil si ate ng jowa niya dahil nagsisisi-tsitan ang ibang mga nanonood.
Ayaw paawat si ate.
Pasaway!
Wala pa ring tigil ang mga hanash at kuda.
Spoiler pa more!
Chika pa more!
Tumigil na lang si ate nang dumating ang theater manager.
ina raymundo b yan
o si patricia javier?