NAIRITA ang kilalang direktor sa kilala ring aktres.

Ramdam ni direk na nilalandi ni aktres ang assistant direk cum dyowa niya nang napag-usapan ang project na gagawin nila.

Sabi na lang ni direk, parang type niyang i-order si aktres ng kapeng ‘kati-kati’ ang flavor.

Ang latest na­ming nabalitaan, umatras na si direk at hindi na niya gagawin ang project na ipo-produce ng aktres na nanghiram ng kati sa higad.

Hindi dahil sa nilalandi ang dyowa-dyowaang assistang direk nito kundi binarat-barat ang talent fee niya.

Juice colored!

Sobrang baba ang TF kaya umatras na si direk.

Hindi na inalintana ni direk ang paglalandi sa dyowa niya, kaya lang, nakakainit ng ulo na binabarat-barat pa siya.

Hindi na namin alam kung sinong direktor ang ipinalit dahil hindi makukuha ni aktres ang type na assistant director.