NAG-E-EMOTE ang beteranang aktres (na nagsimula sa sexy movies) sa production staff ng drama series na kinabilangan niya.
Natapos na ang naturang serye pero mula sa siĀmula hanggang sa ending nito ay pawang hanash at emote ang naririnig mula sa may edad nang aktres.
Bago natapos ang taping nito, may reklamo pa siya sa production staff dahil basta na lang daw siya pinatay sa seryeng ito.
Noong last two days ng taping ay nagpasabi raw itong kilalang aktres na hindi siya puwede sa araw na iyun.
Pinakiusapan siya ng EP na kung puwedeng mag-taping na dahil wala na silang ibang araw na makukuha.
Iyun lang ang araw na napapagtugma ang schedule ng mga artistang involved.
Pumayag si aktres pero kailangang 12:00 MN ay pack-up na raw siya dahil may hahabuling flight daw ito.
Pagdating ng taping, nakita ng direktor na hindi kakayanin ng 12:00 MN kaya pinakiusapan uli si aktres.
Ayaw raw talaga.
Sabi raw ni direk, madali raw magawan ng paraan. Patayin na lang ang karakter ni aktres.
Kaya noong araw na iyun, nagulat si aktres na papatayin na pala siya.
Hindi na siya pinabalik sa last taping day.
Ang production staff ang sinisi ni aktres, at baka iba raw ang pagkasabi kay direk.
Pero sabi ni direk, madali siyang kausap. Gusto ni aktres na ma-pack-up nang maaga sa set, patayin na lang.
Kaya naloka rin ang production staff sa kinalabasan ng ending ng kuwento dahil biglang namatay na ang karakter nitong aktres.
Kaya nag-suffer ang takbo ng kuwento.
Ang tsaka raw ng ending gawa ng biglaang pagbabago ng kuwento at pagkawala ng karakter ni aktres.
Mukhang malabo nang kunin si aktres ng production staff na ito dahil sa mga problemang binigay sa kanila.
Hindi pa namin alam kung ano ang side ni aktres dahil hindi pa namin ito nakausap.
Si Jacklyn Jose ba yung BI