Sinalba ni world import Khalif Wyatt ang San Miguel Alab Pilipinas matapos gumawa ng clutch trey upang pataubin ang Formosa Dreamers, 100-99, kahapon sa ASEAN Basketball League na ginanap sa Changchua Stadium sa Taiwan.

Naging bayani ang American guard na si Wyatt­ nang maipasok niya ang game-winning trey sa huling 27 segundo ng laban.

Bukod sa highlight shot ni Wyatt ay malaking­ bagay rin ang pinasiklab na 20 points at 9 rebounds­ ni Samuel Deguara at 19 markers ni Nicho­las King upang pahabain sa apat ang kanilang winning streak.

Nasayang naman ang pinasiklab na 25 points ng kalabang manlalaro na si Jordan Tolbert para sa Formosa Dreamers.

Angat sa 4-1 baraha ang Alab Pilipinas samantalang laglag sa 2-6 marka ang Fromosa. (AE)