Nagbutas si Bobby Ray Parks, Jr. ng 28 points, eight rebounds at six assists upang galamayin ang pagbabalik-winning track ng Alab Pilipinas via 86-77 decision kontra Kaohsiung Truth Taiwan sa 7th ASEAN Basketball League eliminations kahapon sa Kaohsiung Senior High School gym sa Taiwan.
Pasiklab din sa kanilang debut game sina University of Massachusetts product Sampson Carter at North Illinois alum James Hughes na mga humalili kina Korean-Americans brothers Lee Seung Jun and Lee Dong Jun bilang imports.
Nagpader si Carter 23 pts., 6 rebs. at 6 assists samantalang si Hughes ay naka-12 pts. at 9 boards sa pagbawi ng Alab mula sa 71-68 loss sa Singapore Slingers noong Disyembre 18.
Third straight victory ito ng ‘Pinas sa mga Taiwanese, na pinangunahan ni Derek Hall na may 31 markers at 16 boards, habang naka-19 puntos si fellow reinforcement Chris Oliver.
Unang dinurog ng mga Pinoy ang mga Taiwanese nung Dis. 4 91-82 at Dis. 11 93-87.
Ang iskor:
Alab Pilipinas 86 — Parks 28, Carter 23, Hughes 12, Acuna 10, Celiz 6, Domingo 4, Fortuna 3, Hubalde 0, King 0, Knuttel 0, Thiele 0, Gavieres 0.
Kaohsiung Truth Taiwan 77 — Hall 31, Oliver 19, Chang 10, Hsu 8, Inigo 6, Jose 2, Wey 1, Lee 0.
Quarters: 22-17; 43-29; 63-53; 86-77.