Laro sa Enero 14 (Stadium 29, Bangkok, Thailand):
7:00 pm — Mono Vampires vs Alab Pilipinas

Nilimitahan ng Alab Pilipinas sa dalawang puntos lamang sa dagdag na limang minuto ang Singapore Slingers para sungkitin ang importanteng ikatlong sunod na panalo sa paghatak ng 89-80 tagumpay kahapon sa Asean Basketball League sa pagdayo sa OCBC Arena sa ­Singapore.

Nagsilbing kapitan ng Alab ang kargadong enerhiya nina Justin Brownlee na pumitas ng 17 points 5 rebounds, 8 assists, 2 steals at dalawang tapal, at Renaldo Balkman, pinasabog ang 26 puntos, 8 rebounds, 2 assists, 4 steals at 2 blocks, para sa maa­ngas na opensiba ng tropa sa unang minuto ng overtime.

Tapos ibinagsak ng Alab ang siyam na sunod na puntos sa ­unang apat na minuto sa ekstrang tikada para itala ang 87-78 kau­ngusan bago kinumpleto ni Bobby Ray Parks, Jr. ang isa pa nitong 3-point play para sa pinal na iskor tungo sa pagsungkit ng ikatlong sunod na panalo sa kartang 3-3.

Nalasap ng Slingers ang ikalawang sunod na kabiguan at nahulog sa ikalimang puwesto sa 3-5 baraha.

Una nang kinapitan ng Alab ang 78-75 abante sa huling minuto ng regulasyon matapos ipasok ni Robby Celiz ang kanyang tanging puntos sa laro na isang tres pero naitulak ng Slingers sa ekstrang oras ang giyera matapos na ipasok ni Alfred Jordan Mandani ang isa ring tres, 78-78 iskor sa regulasyon.

Naghatag sa lokal sina Parks, Jr. ng 11 puntos at Lawrence Domingo, 9.

Iskor:

Alab 89 — Balkman 26, Brownlee 17, Parks 11, Domingo 9, Raymundo 8, Urbiztondo 8, Celiz 3, Hontiveros 3, Maierhofer 2, Sumalinog 2, Alabanza 0.

Singapore 80 — Charles 22, Ng 15, Mandani 13, Alexander 10, Loh 10, Goh 9, Liew 1, Folkoff 0, Oh 0, Kwek 0.

Quarters: 21-17, 36-36, 63-60, 78-78, 89-80.