Ipupursige ng administrasyong Duterte ang pagbebenta ng kontrobersyal na koleksyon ng mga mamahaling alahas ng pamilya Marcos.
Ayon sa Department of Finance (DOF), ibebenta ng gobyerno ang 300 piraso ng alahas at iba pang luxury items na binawi sa pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kinakailangan ayon pa sa DOF na i-reappraise ang koleksyon bago ilagay sa auction block.
Matatandaan na ang auction ng mga alahas ay ipinagpaliban noong nakaraang administrasyon bunsod ng kakapusan ng oras.
Kabilang sa jewelry set ang “Hawaii Collection” na may 25-carat “extremely rare” pink diamond na nagkakahalaga ng tinatayang P237 milyon.
Nabatid na ang kikitain ay mapupunta sa Bureau of Treasury at Presidential Commission on Good Government.
Mga gago kayo…ibalik ninyo sa mga Marcos yan, pinaghirapan nilang nakawin yan sa ating bayan…kayo ba naghirap dyan…mahiya naman kayo…dugo at dangal nila ang ininvest dyan, manakaw lang, ngayon ibebenta ninyo….konting hiya…..bwahahhahahahaha
maniwala ka diyan!!! isang pakulo at pangbobola sa mga mamayan lalo na duon sa mahigit na 16 milyon na mga botante…Hindi magagawa ni digong iyan kase magagalit ang kaniyang hinihimod na puwet ng mga marcos…marami ng ipinangako iyan pero wala namang natupad..he he he he
bakit??? ibebenta nyo??? eh pagAari ng MARCOS yan,,,sabe ni DUTERTE magaling si MARCOS at HINDI MAGNANAKAW,,,dapat isuli na lang ni DUTERTE,,,