NI: Nonie V. Nicasio
Angat sa iba ang sex appeal ni Alaiza Malinao base sa kanyang Instagram post .
Suot ang super-seksing orange two piece bikini habang nagtatampisaw sa isang magandang island resort.
Sobrang lupet ng rehistro ni Alaiza sa opposite sex. Animo ipini-flex ng dalaga ang kanyang mayamang natural resources sa naturang IG photo. Mula ulo hanggang paa ay panalo ang kakaibang kariktan ni Alaiza.
Ang kanyang maamong mukha, plus malulusog na boobs, idagdag pa ang makurbang katawan, at wow na wow na legs, equals hotness overload. Iyan ang kabuuuan na mabibistahan sa IG post ng dalaga.
Si Alaiza ay isang model na nakilala nang husto nang makapasok sa fourth cycle ng Asia’s Next Top Model bilang representante ng Pinas. Kandidata rin siya ngayon sa Miss Universe Philippines 2020. Nasa top 15 siya sa Binibining Pilipinas 2015.
Ang alindog at kaseksihan ni Alaiza ay maihahalintulad sa isang masarap na panghimagas o pulutan na hindi pagsasawaang lantakan. Ang tipo niya ang karaniwang iniidolo at kinaiinggitan din ng mga kababaihan.
Ang mga tulad ni Alaiza ang pinapangarap kalampungan ng mga barako, kahit man lang sa kanilang inaasam na sexual fantasy.