Alak bawal pa, kasal ok na sa Valenzuela

Kahit hindi pa inaalis ang `liquor ban’ sa Valenzuela City, tuloy na ang kasalang sibil sa mga magsing-irog.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, tuloy na ang ginagawang kasal na nahinto dahil na rin enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.

Pero mananatili pa rin ang physical distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Araw ng Biyernes ang pagpapakasal na ginagawa sa Town Center.

Samantala, umapela naman kay Mayor Gatchalian ang mga beer dealers at mga hard drinks na i-lift na ang liquor ban sa Valenzuela City.

Maging ang mga nagtitinda ay nakikiusap na rin sa alkalde dahil malaking kabawasan sa kanilang kita ang alak. (Orlan Linde)