Alak na nakalalasing, nakalalason din

Dear Abante Tonite:

Nakakalungkot ang balitang may mga namatay sa Laguna at Quezon matapos uminom ng lambanog dahil sa methanol poisoning.

Kung kailan magpa-Pasko saka naman may nangyari na ganitong insidente. Hindi lang ilan kundi marami ang nalason.

Delikado sa kalusugan ang alak kapag sobra ang nainom o ininom. At lalo pang nalagay sa panganib ang mga biktima mula Laguna at Quezon dahil sa methanol poisoning. Hindi kinaya ng katawan ang methanol ng lambanog kaya nagbagsakan sila sa tinagay.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitang may namatay o nalason sa lambanog. Mura lang kasi kaya binibili subalit maaaring ikapahamak ng isang manginginom kung ang nabili ay mayroong methanol.

Baka nga ang kanila pang nabili ay iyong gawa lang sa bahay. Wala talagang tamang proseso sa pagtitimpla ng lambanog.

Babala na ito sa ating mga kababayan. Sana rin maghigpit ang pamahalaan sa mga ganitong uri ng inumin.

Maraming salamat po.
Roniel ng Calamba, Laguna