Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 13 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mong harapin ang ilang hindi inaasahang hadlang sa iyong daan ngayon at sa susunod na araw. Marami ring hamon sa iyong trabaho at career. Manatiling kalmado at malalagpasan ang mga pagsubok sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 24.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Pakiramdam mo ay may mga puwersang tila pinupuntirya pero hindi ito totoo. Nakakapraning lang talaga ang sobrang pressure na nararamdaman mo. Bigyan din ng panahon ang isip na makapagrelaks. Lucky color: Brown, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dumistansya muna sa away ng ibang tao kahit malapit pa sa puso mo. Ang kanilang away ay hindi mo dapat ituring na away mo. Mas maraming importanteng isyung kailangang unahin bago ang buhay ng iba. Lucky color: Violet, lucky number: 44.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap tuparin ang lahat ng pangako kaya iwasang mag-commit lalo na kung hindi ka siguradong makakaya mo ito. Maari lamang sumama ang loob ng taong iyong mapapangakuan at tuluyan kayong magkalayo ng landas. Lucky color: Yellow, lucky number: 40

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Umiwas sa mga taong walang ginawa kundi maghanap ng mali at mag-abang ng mga negatibong pangyayari. Sa halip, sumama sa mga taong laging may positibong pananaw para mas malayo ang iyong marating. Lucky color : Maroon, lucky number: 50.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi mo kailangang mag-explain sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. Wag nang sayangin ang oras sa paghahabol mo sa pagsang-ayon ng ilang kaibigan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkapareho kayo ng posisyon. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makuntento sa mga bagay na dumarating . Ibuhos ang iyong full attention sa taong may sakit. Papaganda rin ang kalagayang pinansyal sa mga darating na araw.. Lucky color: Brown, lucky number: 56.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapapaboran ka ngayon at sa mga susunod na araw. Kalimutan na ang mga nagawang kapalpakan pero hindi ang leksyong iniwan nito. Gamitin ang naging karanasan para magtagumpay. Lucky color: White, lucky number: 22.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang magandang nagawa mo sa kapwa ang masusuklian. Ang taong tinulungan mo ngayon ay makakatulong nang malaki sa isang importanteng ipinupursige mo. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Papabor sa iyo ang magandang kapalaran sa inggong ito. Mas magiging magaan din ang pakiramdam mo sa pakikiharap sa ibang tao at sa pagtingin mo sa iyong sarili. Wag mawalan ng kumpiyansa taglay mong talento. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Manatili sa iyong mga long-term na plano sa buhay. At wag matuksong daanin sa short-cut o pabilisan ang lahat ng ginagawa mo. Mas malamang ang pagkakamali kung laging nagmamadali. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang taong nakilala mo sa isang biyahe ang magkakaroon ng malaking impact sa iyong planong business. Kung wala pang partner sa buhay, may potensyal ang indibidwal na ito ang maging bagong pag-ibig . Lucky color: Green, lucky number: 14.