ARIES (Marso 21-Abril 19) – May sarili kang desisyon at hindi mo kailangan ang opinyon ng iba. Maging creative sa bagong project. Mas matatag ka kaysa iniisip mo kaya manatiling positibo. Lucky color: Gray, lucky nuwmber: 5.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Napapaligiran ka ng negativity kaya’t labanan ang inip at lungkot . May rason para mag-celebrate sa pag-asa ng bagong umaga. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung ano ang tinanim sa relasyon ay siya mong aanihin. Bigyan ng kulay ang paligid. May special attention sa isang taong malapit sa puso. Lucky color: Blue, lucky number: 47.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Maging totoo sa mga expectations. Wag ipilit ang bagay na imposibleng mangyari. Dagdagan pa ang effort lalo na pagdating sa aspeto ng romansa. Lucky color: Orange, lucky number: 25.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Samantalahin ang libreng oras para magrelaks. Hindi masamang makibagay sa mas nakakarami. Sa pamamagitan nito makakamit ang kapayapaan. Lucky color: Violet, lucky number: 4.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Irelaks ang isip dahil kailangan mo ng enerhiya sa buong araw. May kakaibang pagod na mararamdaman dala ng labis na kalungkutan. Lucky color: Brown, lucky number: 58.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinapaboran ang araw na ito na mapag-isa ka muna. Kung may plano kang umalis, wag muna ngayon. Mag-enjoy sa simpleng selebrasyon . Deserve mo ang matatanggap na atensyon. Lucky color: White, lucky number: 18.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Iwasang makipag-away dahil sa mahirap na sitwasyon. May malaking problemang kakaharapin. Ingatang mabuti ang hawak na pera. Lucky color: Maroon, lucky number: 5.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Lumabas at tumingin sa luntiang paligid. Kailangan mo ng sikat ng araw at sariwang hangin. Kilalaning mabuti ang isang tao bago papasukin sa loob ng bahay. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) –Pairalin ang diplomasya sa loob ng pamilya. Abutan ng tulong ang taong lumalapit. Walang dapat ipaliwanag sa sariling desisyon. Lucky color:Black,lucky number:17.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) –Makinig sa mga babala at reklamo. Maraming dapat mabago kung gusto mong magkasundo. Isantabi muna ang pride. Lucky color:Red,lucky number:44.
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Pahalagahan ang pagkakaibigan dahil dito ka humuhugot ng lakas. Umpisahan na ang gustong pagbabago. Hindi kailangang umalis para maiparating ang gustong sabihin. Lucky color:Peach, lucky number:22.