Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | April 27, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang bagong kakilala ang magiging inspirasyon mo pagdating sa iyong career. Maraming makukuhang impormasyon at leksyon sa naging karanasan sa buhay. Magiging realistic lalo sa larangan ng pag-ibig. Lucky color: Maroon, lucky number: 7

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Piliting kumalma at huwag magpanik. Anumang problema ang makakaya mong lusutan.us ka. Iwasang maging emosyonal para mas makapag-isip. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kahit gaano kaingat ka sa isang iyong mga plano, hindi maiiwasan ang ilang aberya. Mag reserba ng plan B, sakaling pumalpak. Lucky color: White, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Wag sayangin ang oras sa mga bagay na hindi naman importante. Makikita ngayon ang buong picture ng mga bagay-bagay. Lumayo rin muna sa mga kaibigan na toxic para sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –) – Panindigan ang iyong paniniwala. Hindi mo kailangang maging sunud-sunuran sa iba kahit pa sa partner mo. May karapatan kang sabihin ang iyong opinion kahit hindi mo makuha ang pag-sang-ayon ng lahat. Lucky

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi masamang mangarap pero masamang magpantasya sa tao nap ag-aari na ng iba. Makabubuting tanggapin na habang maaga pa na hindi siya para sa iyo. May ibang para sa iyo na bigla na lang darating sa buhay mo. Lucky color: Orange, lucky number: 2.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung may gusto kang baguhin sa buhay mo, ngayon ang tamang pagkakataon para gawin ito. Marami kang libreng oras kaya wala ka ng excuse. Madali mong magagawa ang lahat dahil may focus ka at nakapahinga ng isipan. Lucky color: Red, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May bahagyang krisis na hatid ang araw na ito. Pero maipapakita mo ang pagiging kalmado. Maraming tumatakbo sa iyong isipan na solusyon pero mas mabuting pag-isipan pang mabuti. Lucky color: Yellow, lucky number: 1.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Gawin na ang mga gawaing matagal mo nang gustong umpisahan. Pagkakakitaan ang bagong hobby. Magiging mas abala ka sa mga darating na araw sa mga mas importanteng trabaho. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa gitna ng kaabalahan sa iba’t ibang gawain, mas biglang maaala na espesyal na tao. Makakatulong ang pagrerelaks sa pamamagitan ng pagpunta sa mga lugar na bago sa iyong paningin. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may kailangan kang itanong sa kausap ay gawin ito. Mahirap nang mabitin ka sa kailangang impormasyon. Mas makakaunawa ang mga kaibigan at kapamilya kung mas magiging honest ka. Lucky color: Yellow, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – I-double check kahit ang kaliit-liitang isyu pagdating sa mga usaping may kinalaman sa negosyo at pananalapi. Maging alerto. Mahirap basta-basta magtiwala sa taong hindi lubusang nakikilala. Lucky color: White, lucky number: 30.