Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 10, 2020

ARIES (Marso 21- Abril 19)- Habang nasa mood ang mga kasama na magsaya , ikaw ay nagsosolo at nanahimik. Wag hayaang masira ang buong araw dahil lang isang tao. Labanan ang pagkainis na walang idudulot na mabuti. Lucky color: Pink, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20- May 20)- May oportunidad ngayon para makasalamuha ang mga taong pareho mo ng interes. Ilan sa kanila ay magiging katuwang sa isang malaking proyekto. Lucky color: Red. lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 20)- Mahirap pigilin ang determinasyon mo ngayong araw na ito. Pagod at hirap kang mag-focus. May kinalaman ito sa ipinupursige mong isyu. Tuloy mo lamang sa kabila ng ilang oposisyon. Lucky color: Black, lucky number: 7

CANCER (Hunyo 21- Hulyo 22)- Nakakapagod din ang patuloy na trabaho lalo na kung wala ng interes na nararamdaman ang puso mo. Hindi masamang makipag-usap nang masinsinan sa kinauukulan para matapos na ang pagkukunwari. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22)- Nasa aspeto ng romansa ang pokus ng araw na ito. Kung may partner ka na, hindi nalalayo ang isang intimate moment. Mas madali ang makiayon kaysa kumontra lalo na kung mahal mo. Lucky color: Gray, lucky number: 56.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 22)- Hindi maintindihan ng karamihan kung ano ang pinaglalaban mo dahil wala sila sa iyong posisyon. Hindi pa nila ganap na maunawaan kung bakit pursigido kang gawin ang bagay na iba para sa kanila. Wag ubusin ang oras sa pagpapaliwanag. Lucky color: White, Lucky number: 17.

LIBRA (Setyembre 23- Oktubre 22)- Hindi nakikiayon ngayon ang mga pangyayari. Madali kang malito. Maging alerto sa mga manloloko at mapagsamantala. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23- Nobyembre 21)- Maaring sa gitna ng iyong kaabalahan, ay may mawaglit na gagawin. Gamitin ang libreng oras para makabawi ng lakas. Lucky color: Green, Lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22- Disyembre 21)- Pinag-iisipan mo ang isang paglipat, puwedeng tungkol sa trabaho o kaya ay sa tirahan. Nasa mood ka rin para subukan ang mga bagong adventure na matagal mo nang pinag-iisipan. Lucky color: Purple, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19)- Mas hirap ka ngayong makihalubilo sa maraming tao dahil mas gusto mong mapag-isa. May ilang indibidwal na magpipilit. Iwasan na lamang mapikon para makaiwas sa tensyon. Lucky color: Peach, lucky number:16.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18)- – May ilang makikilalang bagong kaibigan at isa sa mga ito ang posibleng maging espesyal sa iyo. Wag ipagdamot ang oras dahil kailangan mo ring malibang. Matagal ka lang nag-iisa at ngayon ang tamang panahon para may makasama. Lucky color: Beige,lucky number:75.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20)- Mahirap labanan ngayon ang temptation at mahirap kontrolin ang biglaang atraksyon sa isang bagong kakilala. Ramdam mo ang kakaibang sensasyon. Tiyakin lamang na wala kang masasaktang iba sa gagawin. Lucky color: Green, Lucky number: 28