Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 11, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19)- Mas matalas ngayon ang iyong pakiramdam. Alam mo ang nangyayarn sa iyong likuran. May mga palaisipan na ilang panahon nang nakakagulo sa isip mo at ngayon mo mapagtatagpi ang mga kaganapan. Gamitin ang araw na ito para magkaroon ng closure. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Wag nang pahirapan ang sarili. May dedisyon sa iyong problema. May paraan naman para umaksyon nang hindi nagpapadala sa pressure. Hindi ito ang tamang pagkakataon para magpakabayani. Lucky color: Violet, lucky number: 34.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Wag mong ipursige ang isang bagay kung sa tingin mo ay hindi para sa iyo. Gawin kung ano ang gusto mong gawin sa paraang magiging masaya ka at komportable. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas marami kang napupuna ngayong kulay sa iyong paligid. Iwasan lamang na sabayan ito ng emosyon dahil ikaw ang matatalo. Piliting makalabas sa alanganing sitwasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang hindi kayang ipaliwanag ngayon. Wag nang magsinungaling. Makabubuting piliing manahimik habang hindi ka pa sigurado sa mga gusto mong gawin at sabihin. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kailangan mong seryosohin ang isang babala. Meron kang gustong-gustong bilhin pero wala kang pera. Magtiis-tiis muna habang may krisis sa buhay mo. Lucky color: Gray, lucky number: 38.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas tatatag ang relasyon kung tatanggapin ang kahinaan ng bawat isa. Hindi ka rin naman perpekto kaya lawakan ang pang-unawa. Wag nang hanapin ang mga bagay na wala sa iyo para hindi ma-frustrate. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kailangan mong magmatigas kung seryoso ka sa gusto mong gawin. Hindi magiging madali ang lahat dahil marami ang kotra sa iyong mga plano. Lucky color: Red, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang talent ang taglay mo habambuhay. Gawin ito habang may oportunidad. Pinapaboran din ang anumang transaksyong may kinalaman sa pera. Lucky color: Green, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nag-uumpisa ka nang kuwestyunin ang mga bagay o sitwasyon na dati’y binabalewala sa iyo. Isang tao ang laging hinahanap. Makakabuti ito para lalo pang makabuo ng mga bagong ideya na makakatulong sa iyo sa mga susunod pang araw. Lucky color: White, lucky number: 52.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mag-ingat sa mga sinasabi o o sasabihin mo sa loob ng araw na ito. Posibleng isang sensitibong impormasyon ang mai-broadcast mo sa hindi tamang lugar. Mahihirapan kang bawiin ang pagkakamali.Lucky color: Brown, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gawin ang lahat para ayusin ang gusot o tensyon sa loob ng bahay . Sobrang pagod ang katawan at isipan. Piliting kumawala muna sa ginagawa. Isantabi muna ang pride dahil marami na ang nasaktan. Lucky color: Black, lucky number: 50.