Alamin Ang ‘Yong Kapalaran Ayon Sa Iyong Zodiac Sign | June 12, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas mabilis mong mapag-iisipan ng solusyon ang iyong problema dahil sa bagong inspirasyon. Malayang makakagalaw dahil pansamantalang nawala ang mga hadlang sa iyong daan. Samantalahin ang pagkakataon para maisulong ang mga gawain. Lucky color: Maroon, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag hayaang mangibabaw ang emosyon ngayong alam mo na kung ano ang totoo. Kung hawak mo ang lahat ng impormasyon, doon mo ibase ang pagdedesisyon. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung meron kang feelings na gustong sabihin, gawin agad ito dahil baka hindi mo na siya makita pang muli. Maaring maghatid ito ng bahagyang pagkailang pero may positibong resulta. Lucky color:Gold, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Nasa iyo ang karapatan para mag-enjoy. ‘Wag paapekto sa mga sinasabi ng ibang tao. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong maging seryoso. Alalahanin na maikli lang ang buhay kaya’t piliing maging masaya. Lucky color: Red, lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay importante ang pera. Sa mga susunod na araw, mas mare-realize mo na mahalaga ang pagmamahal. Hindi masusukat ng material ang tunay na damdamin dahil kusa itong lalabas sa iyong mga kilos. Lucky color: White, lucky number: 2.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pakiramdam ka na tila lahat ay nagsasaya maliban sa iyo. ‘Wag maging kill joy kapag kasama ang pamilya. Kung may nagawang pagkakamali, lunukin muna ang pride at humingi ng pang-unawa sa mga taong nasaktan. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Marami kang magagawa ngayon dahil marami kang libreng oras. Mag-share kahit hindi materyal na bagay. Bigyan ng sapat na panahon ang pamilya at mga totoong kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung napapasobra na ang isang taong nakakataas sa iyo ng posisyon, iparamdam mo na hindi ka niya kayang tibagin. May malakas kang prinsipyo na kayang laban ang lahat. Basta’t wag makalimot sa iyong pinanggalingan. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)- ) – Pinapaboran ang mga pagbabago ng isip at direksyon. Manatili muna kung nasaan ka man ngayon. May isang pa-contest na ikaw ang magwawagi. Hindi ka mabibigo sa makukuhang gantimpala. Lucky color: Blue, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Mas mabigat ang katawan ngayon para gumawa ng mga ekstrang trabaho. Gayunpaman, wala kang choice kundi gawin at tapusin ito. May mga obligasyon na hindi makakapaghintay. Lucky color: Gold, lucky number: 27.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Iwasang maniwala agad sa mga naririnig. Humingi muna ng pruweba para hindi malinlang. Bigyan ng panahon ang pakikinig sa paliwanag lalo na may kinalaman ito sa iyong relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 33.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –– Sa araw na ito, hindi ka magkukulang sa pansin. Mas mataas ang iyong popularidad kaysa karaniwan. Maging responsible lamang sa bawat salita at kilos lalo na sa harap ng mas nakababata sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 6.