Alamin Ang ‘Yong Kapalaran Ayon Sa Iyong Zodiac Sign | June 13, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Deserve mong makapagpahinga at mailayo muna ang sarili sa mga mabibigat na trabaho. Katawan mo na ang nagsasabi na masyado ka nang overworked. Bigyang pansin ang kalusugan na posibleng napabayaaan. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kailangan mo ng relaxation. Kung sa mga nakaraang araw ay puro trabaho at obligasyon ang naging prayoridad, ngayon ay bigyang pansin ang pagrerelaks. Subukang mahiga at magbasa na matagal mo nang hindi ginagawa. Lucky color: White, lucky number: 42.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi masamang lumabas sa iyong comfort zone. Mas malayo ang iyong mararating kung bukas ka sa mga oportunidad. Wag mong katakutan ang mga bagong karanasang naghihintay. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Marami kang dapat linawing isyu. Gawin na ito ngayon at iwasan lamang na makapagbitiw ng masakit na salita. May maitutulong ang mga kaibigan para kumalma. Lucky color: Gold, lucky number: 32.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May excitement na hatid ang araw na ito. Anuman ang iyong propesyun o kalagayan sa buhay, magkakaroon ka ng bagong pananaw ngayon. Mag-iiba ang pakiramdam kung magpapagupit ng buhok. Lucky color: Pink, lucky number: 27.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Paborable ang araw na ito para sa mga relasyon. May isang kaibigan na biglang iiyak sa harapan. Walang dapat gawin kundi yakapin ito at samahan kahit saglit. Lucky color: White, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinakamalaki mong kalaban ang stress. Bigyan ng panahon ang pagrerelaks. Mas marami kang mabubuong bagong ideya kung nakapahinga ang katawan at isipan. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Wag padalos-dalos sa pagdedesisyon pagdating sa mga isyu ng pananalapi. Iwasan munang umaksyon kung hindi mo pa sigurado ang iyong sitwasyon. Mahirap maubusan kung bulagsak sa pera. Lucky color: Violet, lucky number: 36.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May tendency kang sumugod sa mga bagong karanasan kahit hindi mo sigurado ang pinapasok mong sitwasyon. Mag-isip muna at mag-ingat. I-share sa pamilya ang dinadalang problema. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May positibong balita na ihahatid ang araw na ito. Tanggapin ito at huwag nang kuwestyunin ang motibo. Deserve mo lahat ng mga natatanggap na biyaya dahil sa kababaan ng iyong kalooban. Lucky color: Gold, lucky number: 23

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Pag-aralan ang kasalukuyang sitwasyon at saka mag-isip ng tamang solusyon. May matutunan kang importanteng leksyon sa mga pinagdaanan sa buhay. Lucky color: Green, lucky number: 29.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas makakapag-isip ka ng mga bagong estratehiya kung gagamitin ang iyong imahinasyon. Hindi uubra kung laging de numero ang pag-iisip. Mas aarangkada ang career kung dodoblehin ang kasipagan. ucky color: Gray, lucky number: 2.