Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 14, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) –May mga gusto kang gawin pero lagi kang nauunahan ng takot. Paglabanan ito para ikaw ang magwagi. Kung hindi ka susubok, hindi mo malalaman kung ano ang magiging resulta ng gagawin. Lucky color: Green, lucky number: 52.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung tila kasalungat sa karamihan ang mga opinion mo, hayaan lang ito. Ikaw ang nasa tamang direksyon kaya hindi mo kailangang magbago dahil lamang sa impluwensya ng iba. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kung tututok ka sa bawat maliliit na detalyeng nangyayari sa buhay mo, mas mapapahalagan mo ang oras . Magpokus sa mas importanteng dapat gawin. Lucky color: White, lucky number: 13.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May kanya-kanyang opinyon ang bawat isa at hindi naman masamang pakinggan ang sinasabi ng iyong mga kaibigan. Wag ka lang magpaimpluwensya kung alam mo na may mali. Lucky color: Orange, lucky number: 53.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-ingat sa pakikiharap sa ibang tao na hindi mo ganap na kakilala. Hindi lahat ng sinasabi nila ay katotohanan. Talasan ang pakiramdam sa mga gustong manamantala sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang pangyayari ngayon ang maghahatid ng saya. Posibleng isang bagong lovelife ito sa mga naghihintay pa lamang ng mamahalin. Buksan ang mga mata sa isang espesyal na kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May isang tao na gagawin ang lahat para magpa-impress. Marami siyang sinasabing maganda pero ingat ka dahil baka kalaban mo ito. Doon mo ganap na matitimbang kung sino ang para sa iyo. Lucky color: Gray, lucky number: 38

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang tao ang labis na naiinggit sa iyong mga achievement pero kalaunan ay magiging malapit ka dito. Ituloy lamang ang iyong positibong disposisyon at hindi ka magkakamali. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tapusin ang iyong inumpisahan bago mag-isip ng panibagong gagawin. Patunayan sa kanila na mali silang ng inaakala tungkol sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 21.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung kalmado kang mag-iisip, makikita mo ang karapat-dapat na solusyon sa iyong mga alalahanin. Wag hayaang maunahan ng takot. Ihahatid ka ng iyong mga hakbang sa tamang direksyon na gusto mong tahakin. Lucky color: Pink, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mapapansin mo ang mga bagay na nakaligtas sa iyong atensyon dahil sa dami ng ginagawa. May panahon ka pa para itama ang mga mali. Magagamit mo ang payo ng iyong magulang. Lucky color: Orange, lucky number : 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang kasamahan ang tinik sa iyong dibdib sa araw na ito. Iwasang bumaba sa kanyang level. Wag nang patulan ang mga parining na hindi naman totoo. Lucky color: Maroon, lucky number: 32.