Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 15, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ipagpatuloy mo lang ang iyong pagiging positibo at magbabago ang estado ng iyong kalusugan. Iwasan lang ang mangako sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Lucky color: Brown, lucky number: 17.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi man naging madali sa’yo ang mga nagdaang buwan. Wag mag-alala dahil magbabago na ito sa paglipas ng mga araw. Salubungin ang bawat araw ng may pag-asa. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Ang lahat ng bagay ay may kapalit. Ang maganda mong ginawa para sa isang tao ay babalik na sa’yo ng 10 ulit. Magpatuloy lang sa kabaitan para sa lubos na pagpapala. Lucky color: Brown, lucky number: 9.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Magiging madali sa’yo na makuha ang mga gusto ngayong panahong ito. Wag kang mag-alala dahil may bagong kabanta na darating sa lovelife. Magiging sentro ng iyong atensyon ang dating kakilala. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Nakikita mo na ang resulta ng iyong pinagpaguran ng mga nakaraang buwan. Hindi masamang magreklamo kung pagod ka na. Magpatuloy lang sa pagiging isang totoo tao at walang niloloko. Lucky color: Orange, lucky number: 44.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May mga bagay na kailangan na lang palampasin sa ating buhay. Ang mga maliliit na bagay ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon at oras. Magpasalamat kahit sa kaunting pagpapapala . Lucky color: Pink, lucky number: 33.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maglaan ng oras para sa iyong mga mahal sa buhay. Balansehin ang trabaho at personal na buhay. Mag-relax at mag-bonding kasama ang iyong pamilya. Lucky color: Gray, lucky number: 25.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ito na ang tamang panahon para makipag-ayos sa mga taong nakaalitan. Mas masarap sa pakiramdam kung walang kaaway. Lucky color: Blue, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Wag mong pairalin ang iyong personal na opinyon sa isang tao na hindi mo kakilala. Makiramdam muna bago magsalita. Walang magandang kalalabasan kung magkakaron ka ng kaaway. Lucky color: Red, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ihanda ang sarili sa bagong responsibilidad. Kailangan mong tanggapin na ang mga bagay na ito ay sadyang kasama sa tagumpay. Lucky color: Green, lucky number: 58.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kailangan mong matutunan kung paano huminto. Tandaan na lahat ng bagay ay may hangganan. Matutong magparaya sa taong mas nangangailangan. Lucky color: Maroon, lucky number: 41.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Wala kang magiging problema sa aspetong pinansyal ngayong panahong ito. Maging wais lang sa paggastos. Unahin lang ang kalusugan kesa materyal. Lucky color: Silver, lucky number: 9.