Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 16, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Wag magpokus sa mga kakulangan sa buhay dahil lalo ka lang malulungkot. Mas makabubuting tumutok sa mga positibong pangyayari at magpasalamat. Bawasan ang pagiging mapaghanap. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maaring sala sa init at sala sa lamig ang maging takbo ng lovelife pero masaya ka naman. Magiging mas makulay ang relasyon dahil sa isang bagong kasama. Sa aspeto ng iyong career, may mga dating sistema na hindi na uubra. Tanggapin na ito nang maluwag sa kalooban. Lucky color: Violet, lucky number: 14.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi lahat ng negatibo ay masama para sa iyo. Minsan ito ang magtutulak sa iyo para magising sa isang pagkakamali. Magtiwala lamang na darating ang mga biyayang inaabangan mo. Lucky color: Violet, lucky number:19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magtrabaho pero piliting magpahinga para hindi maubusan ng lakas. Sa gitna ng kaabalahan sa mga seryosong bagay, hindi pa rin dapat kalimutan ang kalusugan. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maging parehas sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon. Wag masira sa isang maling salita. Ang mga sakrispisyo ay magkakaroon ng maraming gantimpala. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi mo kailangan ngayon ang suporta ng iba para makakilos. Mas magiging matalas ang isip kung walang ibang distraksyon. Pakinggan ang tunay na sinasabi ng iyong puso at ito ang sundin. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa araw na ito, hindi masamang unahin ang iyong sarili bago ang iba. Kung nararamdaman mong career muna ang dapat maging prayoridad, sundin ang gusto mo. Makakapaghintay ang ibang gawain na hindi mo priority. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Balansehin mo ang iyong oras sa mga taong nangangailangan sa iyo. Kung hindi makapagdesisyon, posibleng makatulong ang pag-iisa para mas makapag-isip. Lucky color: Red, lucky number: 5.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ipokus ang iyong atensyon at energy sa bagong hobby. Kung dadagdagan pa ang iyong effort, mas marami kang matatapos. Piliin kung ano ang tunay na nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lahat ng gusto mo ay kaya mong kunin. Ang mga matagal mo nang hinihingi ay ibibigay sa iyo. Puwedeng daanin sa biro ang gustong sabihin para makapagtapat ng damdamin. Wag kalimutan ang mga taong naging sandalan sa panahon ng krisis. Lucky color: White, lucky number: 52.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi masamang magpatawad lalo na kung matagal na ang mga naging atraso sa iyo. Makatutulong sa iyo ang panatag na kalooban. Kalimutan ang mga alitan dahil lalo ka lang nitong pahihirapan sa buhay.Lucky color: Brown, lucky number: 47.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi malayong masabit ka sa alanganing sitwasyon kung paiiralin ang emosyon. May good news pagdating sa career. Mag-isip ng bagong raket para makaraos sa mga gastusin. Gamitin ang nakatadong talent sa sining. Lucky color: Black, lucky number: 50.