Alamin ang ‘yong kapalaran ayon sa iyong zodiac sign | June 18, 2020

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May pagkakataon na bumiyahe sa malayong destinasyon. Saan man makarating, gumawa ng koneksyon sa mga mapupuntahang lugar, maging open mided at mag-explore. Lucky color: Blue, lucky number: 17.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May extra energy ka para sa romansa. Kung may agam-agam, isiping pwedeng magkatooo ang pantasya. Siguruhin lang na sang-ayon ang partne. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kolaborasyon ang susi sa tagumpay. Kung makikipagtulungan, maaari kang makakuha ng magandang kliyente. Mapapansin mo rin ang mga lamat na posibleng magpabagsak sa relasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging mas abala ka sa trabaho at schedule pero bigyan ng oras ang sarili para mag-workout at maging malusog. Dagdagan ang gulay sa mga kinakain para makaiwas sa sakit. Lucky color: Violet, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung may nais kang makuha, mas makabubuti kung direkta itong sasabihin. Huwag kang matakot, lahat ng paghihirap ay magkakamit ng reward. Makukuha mo na ang atensyong hinihiniling, pag-aralan ang panlabas na anyo na gustong makamit. Lucky color: Brown, lucky number: 29.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magkaroon ng heart to heart talk sa mga taong minamahal, kung gagawin ito maaaring magbukas ang mas malamin na koneksyon. May taong hihiling na makasama ka sa isang paglalakbay, sundin ang puso sa pagdedesisyon. Lucky color: Navy Blue, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang mga naghahanap ay makakakita, ito ang mangyayari sa iyong landas sa mga darating na araw. Kung naghahanap ng makakapareha, posibleng nasa paligid mo na siya sa matagal na panahon. Lucky color: Green, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pagalawin ang perang kinita sa pagtatrabaho o bonus na nakuha. Ito na ang oras para magdesisyon kung aalis sa kasalukuyang trabaho at sundin kung ano talaga ang iyong passion. Mahalaga lang na maging handa sa paglipat ng magiging propesyon, lalo na sa usaping pinansyal. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ito ang tsansa mo para bumida, lahat ng mga mata ay ikaw ang makikita. Kung may pumipigil pa sa iyo, sabihin lang kung ano ang naiisip, huwag nang mag-alala sa mga basher dahil marami ang tatanggap sa iyong pananaw. Lucky color: Black, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Susubukin ang iyong control sa paghawak sa ilang sitwasyon. Kung pinanghahawakan pa ang nakaraan, mag-move on na para mabago ang sarili at kasalukuyan. Lucky color: Red, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi umiikot sa sarili ang lahat ng bagay, matutuong kumilos kasama ng iba, teamwork ang magiging susi para maging matagumpay ang proyekto. Gayunman, putulin ang koneksyo sa mga taong nagpapabagsak sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magbubunga na ang lahat ng pinagpaguran. Ipakita sa iba ang iyong kakayahan at mga talento, mapapansin ito ng mga maimpluwensyang tao. Lucky color:, lucky number: 9.